CHAPTER 53

6.1K 150 7
                                    

Chapter 53

          Dalawang LInggo, limang araw, sampung oras…God he is so pathetic… Mula sa Linggo, araw, oras, minutO at pati segundo yata ay tumatatak sa kanya. Paano naman hindi gayong bawat lumipas na sandali ay katumbas noo ay mga oras na lumalaki ang pangungulila sa kanyang puso.

          Ilang beses ba niyang natagpuan ang kanyang sarili na nakasakay sa kanyang kotse para puntahan si Gift upang makita ito at ilang beses din ba niyang kailangang pwersahin ang sarili na huminto sa tuwing naaalala niya ang sakit sa mga mata ng dalaga ng makiusap itong layuan niya ito.

          He is a devil…Alam niya na partly totoo iyon at pinili niyang magkaganuon. Kasi mas mabuti ng siya ang nanakit kaysa siya ang nasasaktan pero iba pagdating kay Gift. Makakaya niyang saktan ang kahit na sino pero hindi si Gift. Nasaktan na niya ito dati at hanggang ngayon pinagsisisihan pa rin niya iyon at hinding-hindi na niya iyon gagawin pa muli maging kapalit man noon ay ang tuluyang pagkawasak ng puso niya. She might be strong but for him she will always be as fragile as crystal na dapat ingatan at alagaan.

          Bawat sandaling lumipas ay parang dinudurog ang puso niya… Nang dahil kay Gift natutunan niyang tingnan muli ang buhay sa maganda nitong anggulo. Nang dahil kay Gift natutunan niyang muling maniwala at magtiwala.. Mahal na mahal niya si Gift, higit pa sa alam nito. At dahil mahal niya ito hindi niya ito kayang pakawalan gaya ng gusto nito.

          Humiling si Gift na layuan niya ito…Igagalang niya ang kagustuhan nito pero hindi ibig sabihin noon basta na lang siya susuko. Paano niya iyon gagawin kung katumbas noon ay pagkamatay ng tuuyan ng puso niya. Pansamantala siyang lalayo gaya ng gusto nito. Pansamantala siyang aalis pero sa kanyang pagbabalik babawiin niya ito at sa pagkakataong ito titiyakin niyang mawawala lahat ng takot sa puso nito at magiging handa na rin ito para tanggapin siya sa puso nito.

          “Boss, hanggang kailan ka ba sa London?” Luke said with a pout on his face while looking at Light like a loss kid. Nasa may airport sila noon kung saan hinahatid siya ng pito at iniintay ang pagsakay niya sa eroplano.Nang sabihin niyang aalis siya alam niyang nagulat ang mga ito pero walang nagtangkang pumigil sa kanya.

          “Basta babalik na lang ako.”

          “So cryptic boss.” Ang naiiling namang sabi ni Nate.

          “Basta mag-iingat kayong pito and watch over Gift okay. Siguraduhin ninyong lagi siyang ligtas at nasa maa----”

          “Maayos na kalagayan.” Patuloy ni Ashton.”

          “Huwag namin siyang hayaang malungkot.” Sabi naman ni Blue.

          “Panoorin namin lagi kung may archery competition siya.” Nashon said.

          “At anuman ang mangyari dapat lagi naming bigyan si Princess ng rason para ngumiti.” Ang sabi naman ni Yujuan.

          “We get it boss. Paano namang hindi ay ilang beses mo ng inulit sa amin ito mula ng magdesisyon kang umalis.” Ang naiiling namang sabi ni Luke.

          Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Light. “Just take care of her okay.”

          “Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?”

          Lahat sila ay napatingin  kay Giordan ng sa kanuna-unahang pagkakataon ay magsalita ito.

          “Baka masaktan lang siya pagnakita niya ako.” Ang malungkot na sabi ni Light.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon