CHAPTER 61

6.8K 137 9
                                    

CHAPTER 61

          It was unnerving the way he is looking at her na kahit pa nga nakatalikod siya ay randam na randam niya. Tahimik niyang hinihiling na sana ay magsalita ito...kahit na ano tatanggapin niya huwag lang ang ganitong treatment na simula pagkagising nito three weeks ago ay hindi pa rin nagbabago.

          Nabura ang ala-ala nito tungkol sa kanya...kahit katiting walang natira. Nakakatawang isipin na sa isang iglap lamang ay nasira ng ganoon na lang ang lahat-lahat  na pareho nilang binuo. Ipinaliwanag ng pitong kaibigan ni Light dito kung sino siya pero walang kahit na katiting na rekognasyon siyang mababasa sa mga mata nito.

          Pero ayaw niyang sumuko...Hindi..hindi niya isusuko si Light...kaya pa niya...kaya pa...kahit pa nga habang tumatagal lalong lumalawak ang sugat sa puso niya na kinatatakutan niyang maglamat at sumira ng tuluyan sa kanya kapag hindi bumalik ang ala-ala ni Light.

          "Why are you here?"

          Hindi niya maiwasan ang mapapitlag ng marining ang boses na iyon ni Light lalo pa at napakaseryoso ng boses nito. Mula sa niluluto ay nilingon niya si Light at gaya ng inaasahan nakatitig nga ito sa kanya habang nakasandal sa may pinto ng kusina ng condo nito.

          Kapag pumunta siya sa condo ni Light lagi niyang kasama ang pito nitong mga kaibigan dahil sa totoo lang natatakot siyang baka hindi siya papasukin nito kung siya lang. Pero habang patagal ng patagal tanging si Giordan na lang ang sumasama sa kanya dahil sa dami ng kailangang asikasuhin ng iba. Tulad ngayon si Giordan lang ang kasama niya na may pansamantala lang binili sa labas.

          "I am cooking for you." She answered softly...she tried to smile too but somehow it become too hard to produce a genuine smile.

          "Alam mong hindi iyon ang tinatanong ko...Fine dederitsuhin kita...Why are you wasting your time here? I don't know you." Light said evenly and without any trace of emotion.

          That hurt! Really..really hurt... Pero pinilit niyang itago ang sakit na nararamdaman. "Huwag kang bibigay Gift, hindi niya alam ang sinasabi niya." Ang tahimik niyang sabi sa sarili kahit pa nga napakahirap gawin iyon.

          "I am your girlfriend Light." Ang mahina niyang sabi.

          Light snickered na para bang may sinabi siyang nakakatawa. "Then let us break up,"

          "You don't know what you're talking about...anyway luto na itong pagkain kumain ka na lang pag nagugutom ka may kailangan pa pala kasi akong puntahan." Hindi na niya hinayaan pang magsalita ito. Mabilis niyang hinubad ang suot na apron bago nagmamadaling tumakbo paalis sa lugar na iyon bago pa siya tuluyang bumigay.

          "Gift?" Nagtatakang tanong ni Giordan ng makasalubong niya ito pero kahit ang kausapin ito ay wala na rin siyang lakas, kaya naman nilampasan na lang niya ito, habang patuloy lang ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

GIORDAN POV

          Inaamin  niyang  gusto niyang mahalin siya ni Gift at gusto rin niya itong mapasakanya pero kahit kailan hindi niya ginustong masaktan ito sa ganitong paraan. She doesn't deserves this kind of pain kung saan natitiyak niyang hindi lamang ang mga mata nito ang umiiyak kundi pati na rin ang puso nito.

          Kaya kahit na busy lagi niya itong sinasamahan papunta sa condo ni Light dahil alam niyang kailangan nito ng masasandigan at handa siyang maging sandalan nito gaano man katagal nito kailanganin.

          Alam niyang sobra na itong nasasaktan at kahit na nakangiti ito kitang-kita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman dahilan para lihim siyang magalit kay Light kahit pa nga pilit niyang sinasabi sa sariling wala itong kasalanan. Pero sa tuwing nakikita niya ang ginagawang pambabalewala ng boss nila kay Gift gusting-gusto niyang hawakan si Gift ng mahigpit at ilayo kay Light para siya na lang ang mahalin nito.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon