CHAPTER 37

9.3K 215 12
                                    

CHAPTER 37

            “No.” She said rather boredly habang hindi inaalis ang tingin sa tablet kung saan busy siya sa paglalaro ng Clash of Clans.

            “Oh come on Gift wala ka namang gagawin dito sa bahay nyo ah.” Patuloy na pangungulit sa kanya ni Light. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang enerhiya nito sa pangungulit na wala yatang katapusan.

Nakaupo siya noon sa kanyang kwarto ng walang babalang pumasok ito at nag-umpisang kulitin siya. Mula ng una itong tumuntong sa bahay nila ay naging normal na ang presensya nito roon kahit pa nga madalas itong kaaway ni Manang Mila.

            “May gagawin ako.” Ang hindi tumitinging sagot niya.

            Naramdaman na lang niya ang paggalaw ng kama niya ng walang paalam itong umupo sa harapan niya at bago pa niya mapigilan ay mabilis na nitong inagaw ang tablet niya. Naiinis na tiningnan niya ito. “May gagawin nga ako.”

            “Oh, really? Sige nga sabihin mo sa akin kung anu-ano iyon?” Kahit itago ay kitang-kita sa mukha ni Light ang inis.

            Napabuntong hininga siya bakit ba ang hirap paniwalaan na may gagawin talaga siya. “Matutulog, Magbabasa, Mag-sasound trip, Kakain, Manonood…” Sandali siyang tumigil upang seryoso pang mag-isip completely oblivious sa paglalim na palalim na kunot sa noo ni Light sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Nasabi ko na bang matutulog ako?”

            “Nang-aasar ka ba!” Inis na asik ni Light.

            Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gift bago isinandal ang sarili sa kanyang kama. “Seryoso ako.”

            Natigilan si Light ng matiyak na seryoso talaga ang dalaga. “Pero gusto kong kasama kita sa semestral break.” Sa sobrang hina noon ay muntik na iyong hindi marinig ni Gift.

            Nailing na lang siya lalo pa at kitang-kita niya kung gaano kasincere ang mukha ng binata. “What’s the big deal? It’s just a sem break. Matatapos at matatapos din ito?” She can’t help but asked lalo pa at mukhang napakabig deal nito para dito.

            “Of course it’s important it is our first sem break together!” Mabilis at tila hindi nag-iisip na sabi nito katunayan noon ay ang biglang pamumula ng mukha nito matapos marealize ang mga sinabi.

            Pilit niyang hulihin ang tingin nito na hindi naging madali lalo pa at pilit nitong iniiwas ang tingin sa kanya at ng magawa niya ang gusto wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang. Bakit ba parang ang hirap ng tumanggi? “Fine.” She said again boredly bago mabilis na inagaw ang tabet niyang hawak pa rin nito.

            “Fine?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni light na para bang hindi nito naintindihan ang naging sagot niya.

            Isang inis na buntong hininga ang napakawalan niya at naiirita itong tiningnan. “Fine sasama na ako kung iyon lang ang makakapagpatahimik sa iyo.”

            Isang malawak na ngiti ang agad na sumilay sa labi ni Light at bago pa siya nakaiwas mabilis at malakas na siya nitong dinamba at dahil sa pagkabigla tinangka niyang umiwas pero ang nangyari mas lalo lang siyang napadikit dito at nawalan pa siya ng balance dahilan para kapwa sila mahulog sa kanyang kama at kung hindi ito naging maagap sa pagsuporta sa kanilang pareho malamang na naging masakit ang naging pagbagsak nila.

            Pinakiramdaman muna niya ang sarili para matiyak na walang nadamage na anumang parte ng katawan niya at ng matiyak na wala saka lang niya iminulat ang kanyang mga mata para lang makasalubong ang grayish eyes nito na nanlalaki habang nakatingin sa kanya.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon