CHAPTER 31

10.4K 196 9
                                    

CHAPTER 31

“Kung wala ka ng makitang rason para manatili o mabuhay sa mundong ito, then I will be your reason… So can I?”

Nakahawak ang kamay niya sa tapat ng kanyang puso pero ayaw talagang paawat ng abnormal na pagpintig noon, Posible bang ma heart attack siya kahit 17 lang siya? “Ano bang sinasabi mo?” She asked disbelievingly ayaw niyang mag-assume…at lalong ayaw niyang maniwala, tapos na siya sa part ng buhay niya kung saan pinaniniwala niyang pilit ang sarili sa magagandang panaginip para lang magising sa napakapait na bangungot ng katotohanan.

“Kung ayaw mo naman akong gawing rason at ayaw mo na talaga sa buhay mo pwede bang mahingi ko na lang  ang ito at hayaan ako ang magmay-ari sa iyo?”

He must be joking! Pero napakaseryoso ng mukha nito habang hindi maalis alis ang tingin sa kanya at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng pagrerebelde. Masyado ng maraming iniinda ang puso niya at hindi na niya kailangan ang isa pang pangako na maaaring tuluyang pumatay sa natitira pa niyang paniniwala sa buhay .“Alam mo ba ang sinasabi mo!” Mabilis siyang tumayo upang talikuran ito pero nakakilang hakbang pa lang siya ng makaramdam ng pagkahilo at kung hindi pa ni Light nahawakan ay malamang na natumba na siya ng tuluyan.

“Careful.”

Muli siyang nakaramdam ng paghihimagsik sa boses nitong punong-puno ng pag-aalala. Galit niyang ipiniksi ang pagkakahawak nito sa kanya at galit din itong hinarap. “Stop acting like this!

Confusion spread in his face. “Like what?”

“Like..like..” Mariin niyang naipikit ang kanyang mata upang itago rito ang mga sari-saring emosyon na maari nitong makita sa kanyang mata pero sadyang hindi niya magawa dahil ng muli siyang magmulat alam niyang nakikita nito ang sakit doon. “Like you c-care.” Ang mahina niyang sabi.

Hindi ito nakaimik pero kitang-kita rin niya kung paano ito nasaktan sa sinabi niy pero tuluyan na yatang binalot ng sakit ang puso niya at hindi na niya nagawang aluin ito kahit pa may parte ng puso niya ang gustong gawin iyon.

Pero ang sakit sa mga mata nito ay agad na napalitan ng pagrerebelde at galit. “But I care!” Ang malakas nitong sigaw na bumalot kasama ng madilim na gabi sa paligid.

She smiles bitterly. Randam na randam niya ang hindi matatawarang pait at galit sa sinabi nito. “If you really care hindi mo tatalikuran!”

Natigilan ito at muli ay kitang-kita niya kung paano niya ito nasaktan sa mga sinabi niya pero ng mga oras na iyon mas nanaig ang galit na ngayon lang niya nararamdaman para dito dahil sa ginawa nito. “I trusted you!” Punong-puno ng pang-aakusang sabi niya, muli niyang ipinikit ang kanyang mata at ng imulat niya iyon galit  niya itong tinitigan.

“I trusted you! Kaya ikaw ang pinuntahan ko! P-pero tinalikuran mo a-ako!” Huli na para pigilan niya ang mga luhang noon lang kumawala sa kanyang mga mata. Ngayon niya mas nararamdaman ang sakit ng ginawa nitong pagtalikod sa kanya.

“P-pinuntahan kita kasi akala ko…akala k-ko kakampi k-kita p-pero…”Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga para muling makapagsalita na naging napakahirap dahil sa pagsabay ng kanyang luha na para bang pinipigil pati pagsasalita niya. “Pero tina..t-tinalikuran mo r-rin ako! Tinalikuran m-mo rin ako gaya ng pagtalikod s-sa a-akin ng m-mundo!”

Tuluyan ng bumigay ang emosyon niya. Napaluhod siya habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha kung saan malayang kumakawala ang napakaraming luha at impit niyang hagulhol.

Light POV

            Ilang beses na siyang nakatanggap ng suntok, sipa, tadyak, palo at kung anu-ano pang pisikal na pananakit mula sa kanilang gang fight pero habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Gift…habang nakikita ang mga luha nito at habang naririnig niya ang hagulhol nito pakiramdam niya may tumutusok sa dibdib niya na sa sobrang sakit hindi niya nagawang makagalaw. Ano bang nangyayari sa kanya! Hindi na niya maintindihan, ang alam lang niya mas tumitindi ang sakit habang nakatingin siya sa nakaluhod na dalagang humahaguhol pa rin.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon