CHAPTER 62

6.7K 118 27
                                    

CHAPTER 62

            Hindi alam ni Giordan kung gaano na kalayo ang inikot niya sa paghahanap kay Gift. Basta ang tanging laman lang ng isip niya ay ang makita si  Gift lalo pa at nagsisimula ng umulan. Hanggang sa dalhin na nga siya ng kanyang mga paa sa park na malapit sa condo ni Light. At doon niya nakita si Gift, nakaupo ito sa damuhan habang yakap-yakap nito ang dalawang binti nat nakatago ang mukha sa tuhod nito.


            "Princess?" He asked hesitantly.


            Nang mag-angat ito ng tingin parang may pumiga sa puso niya ng makita ang luhaan nitong mukha. Mabilis siyang lumapit dito. "Princess please." Ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung saan at paano sisimulan.


            "Huwag kang mag-alala Giordan...mamaya l-lang ayos na a-ako...mamaya lang n-ngiti na u-uli ako...pero sa n-ngayon p-pwede bang ha-hayaan mo muna akong u-umiyak."


            Mariing naipikit ni Giordan ang kanyang mga mata upang hindi makita ang matinding sakit sa mga mata ni Gift pero kahit sa kanyang pagpikit ay kitang-kita pa rin niya ang ang nasasaktang mukha ng dalaga. It hurts him so much to see her like this at ang mas masakit ay wala siyang magawa kundi ang panoorin lamang ito. Tahimik siyang naupo sa tabi ng dalaga pero kahit na ganoon hindi nito alam na tahimik din siyang lumuluha kasama nito.


            "Magiging maayos din ang lahat Princess." He promised pero katahimikan lang ang naging sagot sa kanya ni Gift. Gusto niyang hawakan si Gift pero natatakot siyang kapag ginawa niya iyon hindi na niya ito bitiwan pa kaya nagkasya na lang siya sa pag-upo sa tabi nito.


GIFT POV


            Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Ilang araw matapos ang insidenteng iyon pakiramdam niya namamatay siya ng unti-unti na kahit pakikiharap sa tao ay kinatamaran na niya but then he called. Light called her and suddenly she can feel her hope again.


            Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumawag si Light at pakiramdam niya lahat ng sakit at hinanakit nanararamdaman niya ay parang bolang naglaho. God she loves him so much that it hurts, pero he is worth it...he is.


            Kinakabahang nagdoorbell siya sa condo ni Light at ng ang nakangiting Light ang bumungad sa kanya pakiramdam niya muli na namang naging maayos ang lahat. Sabi na nga ba niya hindi siya nito makakalimutan...hinding-hindi.


            "You're early." Ang nakangiti nitong sabi.


            Nakangiti si Light...nakangiti ito. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya may mali? Pero muli sinunod niya ang binubulong ng kanyang puso at iyon ay ang pakinggan ang itinitibok nito na si Light. "Napaagap lang ako ng gising." Ang nakangiti niyang sabi kahit ang totoo ay hindi siya halos makatulog kagabi dahil sa sobrang excitement.


            "Hindi pa ako nakakaluto." Ang nailing na sabi  ni Light.


            Siya naman ang umiling. "Pareho nating alam na wala kang talent pagdating sa pagluluto." Ang magaan niyang sabi na agad namang ikinakunot ng noo ng binata na ikinaalis ng ngiti niya. "Sorry." Ang mabilis niyang sabi sa takot na baka naoffend nga niya ito.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon