CHAPTER 45

8K 154 2
                                    

3CHAPTER 45

Gustong mailing ni Gift, hindi niya alam kung paano siya napasama sa larong pangbatang ito. Kanina lang buo na ang plano niyang matulog pagkakain kaysa ang makasama pa si Light para lang mas lalong madagdagan ang pagkalitong nararamdaman pero ito siya ngayon kasama ang lahat habang nakaupo sila paikot at may isang bote sa gitna nila.

Lihim siyang napabuntong hininga habang inaalala ang nangyari kanina bago siya mapapunta rito. This is such a child’s play.

  Madami at masasarap ang pagkain na tingin pa lang ay talaga namang matatakam ka na, pero iba ang pagkakataong iyon. Napakatahimik ng hapag kainan kasi kahit anong pilt na gumawa ng pag-uusapan nina Lumina at ng mga kaibigan ni Light ay nauuwi pa rin iyon sa tahimik na patlang.

Tahimik langna kumakain si Gift at Light at ganoon din si Cloud na para bang hindi man lang alintana ang makapal na tensyon sa paligid. Kung masusukat nga lamang ang tensyon sa paligid malamang na kukulangin ang isang ruler para sukatin iyon.

Kalmadong kumakain si Gift at napakablanko ng mukha nito na kahit anong emosyon ay hindi mo makikita, para itong isang buhay na mannequin. Samantalang si Light naman ay tahimik man na nakain ay hindi naman maitatago ang madalas nitong pagsulyap kay Gift na hindi nalingid sa mga naroon.

Sa sobrang tahimik nga ng lugar kapag siguro may nalaglag na kahit maliit na bagay lamang ay tiyak na maririnig iyon ng lahat. Kaya naman ng tahimik na ibaba ni Gift ang kanyang kutsara at tinidor halos lahat ay napapitlag dahil sa gulat.

“I’m done salamat sa pagkain.” Ang sabi ni Gift bago tahimik ding tumayo upang umalis na, wala pa ring mababasa sa mukha nito.

“I’m sorry okay.”

Mula kay Gift na huminto sa paghakbang paalis napako ang tingin ng lahat kay Light na nakatayo na din at nakatingin kay Gift. Hindi maikakaila ang pagkagulat sa mukha ng mga  nakarinig sa sinabi ni Loght na para bang hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig.

“Bakit ka nagsosorry?” Gift asked with a poker face na hindi nakatulong para mabawasan ang panlalamig na nararamdaman ni Light. Hindi niya kaylanman magugustuhan ang ganitong ekspreyon sa maamong mukha ng dalaga.

“Don’t be like this…please.” Ang mahinang sabi ni Light na hindi inaalis ang tingin kay Gift na para bang ito lamang ang nakikita nito.

          “I don’t know what you’re talking about.” Gift said…almost boredly?

          “Gift.” Hindi na talaga nagugustuhan ni Light ang nangyayari at mas lalong hindi niya nagugustuhan ang lamig sa mga mata ng dalaga na para bang nakikita man siya nito pero wala na ring saysay iyon dahil wala na itong pakialam pa.   

          “Okay you two stop this!”

          Parehong napatingin ang dalawa kay Lumina na siyang sumigaw.“Masyado ng nagiging tensyonado ang paligid mabuti pa maglaro na lang tayo ng makapagrelax naman tayong lahat.” Ang masayang sabi pa nito na kulang na lang ay magliwanag ang mga mata sa sobrang saya.

          At iyon ang end story. Syempre kailan ba niya natanggihan si Lumina? Ipinanganak at lumaki yata itong hindi naturuan ng salitang “NO”.

          “Okay guys ganito ang mechanics ng laro ito “I Never Game” pero dahil Pilipino tayo gumawa tayo ng sarili nating version. Let’s call this “Hindi ko pa ginawa” papaikutin natin itong bote at kung sino ang matapatan siya ang magsasabi kung alin ang hindi pa niya ginawa sa buong buhay niya at sino mang gumawa na ng sinabi niya ay iinom ng isang shot ng brandy so I hope lahat kayo ay may malakas na tolerance ng alak.” Ang mahaba at hindi nawawalang ngiti ni Lumina.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon