CHAPTER 18

13.9K 275 0
                                    

CHAPTER 18

          Mula pagkabata iminulat siya sa buhay na dapat lahat perpekto…mula sa paglakad, pakain at maging pagtawa. She hates that life but then nothing is constant dahil hindi niya akalain isang araw ay magigising na lang siya na gigamit na ang lahat  ng natutunan para magsurvive pero malaki ang naging kapalit noon… malaki.

          Isang game na lang at panalo na siya pero randam na rin niya ang pananakit ng kanyang kanang kamay kahit pa nga hindi niya iyon masyadong ginagamit kaya naman mabilis siyang nagpaalam sa kanyang coach bago pa nito mapansin ang pinoproblema niya.

          Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay na hawak-hawak ng kanyang kaliwang kamay sa kanyang dibdib.

          “Are you okay?”

          Nang imulat niya ang kanyang  mata nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Light na hindi niya narinig ang paglapit. Pero bago pa man siya makasagot ay mabilis na niyang naipikit muli ang kanyang mga mata dahil sa pag-guhit ng matinding sakit sa kanyang kamay.

          “Gift?”

          Rinig niya ang pagtakbo nito palapit sa kanya pero ang tanging naging sagot lamang niya dito ay isang mahinang daing. Kahit na ng maramdaman niya ang masuyo nitong paghawak sa kanyang magkabilang balikat ay hindi niya nagawang magsalita.

          “What can I do?” He said in an urgent voice pero hindi niya magawang sumagot.

          “Gift!Gift! Nasan ka magsisimula na ang laban mo!”

          Mabilis niyang naimulat ang kanyang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses ng kanyang coach. Hindi siya nito pwedeng makita sa ganitong kalagayan dahil tiyak na hindi siya nito papayagang maglaro at hindi iyon pwedeng mangyari. Isa na lang at tapos na ang lahat. Kapag sumuko siya tiyak na habang buhay niya itong pagsisisihan.

          “H-hide me.” Ang halos paanas niyang sabi kay Light habang pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na sumigaw dahil sa sakit.

          “Ha?”

          “P-please, h-hide me.” She begged lalo pa at papalapit na ng papalapit ang boses ng kanyang coach.

          Muli niyang naipikit nang kanyang mga mata ng marinig niya ang boses ng kanyang coach sa kabilang dulo ng kinaroroonan nila para lang muling mapamulat ng maramdaman niya ang mabilis na paglapat ng kanyang likod sa sementadong dingding pero bago pa man siya makapagtanong ay mabilis ng naitakip ni Light ang katawan nito sa kanya at dahil higit itong matangkad at malaki sa kanya ay tuluyan na nitong natakpan siya.

          Nakaharap man ito sa kanya ay kinailangan pa niya itong tingalain dahil halos umabot lamang siya sa dibdib nito dahil sa pwesto nilang dalawa.

          “W-what are you doing?”

          “Be quite o makikita ka niya.”

          Mabilis naman niyang naitikom ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito lalo pa at narinig niya ang boses ng kanyang coach na ngayon ay natitiyak niyang ilang hakbang na lang mula sa pwesto nila.

          “Do you want to die old man! You’re disturbing us!”

          Kung normal lang siguro ang sitwasyon malamang na masipa niya ito nsa kawalan ng galang sa kanyang coach pero dahil hindi normal ang sitwasyon minabuti na lang niyang manahimik.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon