CHAPTER 47

7.6K 163 6
                                    

CHAPTER 47

          Tanghali nang magising siya at ang una niyang nabungaran ay si Light na natutulog sa tabi niya. Payapa ang paghinga nito hudyat ng mahimbing nitong pagtulog.Nakaupo ito at nakasandal sa headboard at mukhang hindi na nito namalayan na nakatulog na pala ito.

          Dahan-dahan at buong ingat niyang inalis ang buhok nitong bahagyang tumatabing sa  mukha nito. “Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa iyo? Sana hindi totoong nahuhulog na ako sa iyo kasi kapag iyon ang nangyari baka kailanganin kong lumayo…Hindi kasi ako kasing tapang ng akala mo eh. Kapag minahal kita at nasaktan ako baka hindi ko kayanin at ikamatay ko ng tuluyan lalong lalo na ng puso ko…”

          Nagulat na lang siya ng mabilis na gumalaw si Light at hulihin ang kanyang kamay at mahigpit iyong hawakan at ilagay sa tapat ng puso nito kung saan randam na randam niya ang malakas at mabilis nuong pagtibok bago unti-unti nitong iminulat ang mga mata hanggang sa makasalubong ang mga mata nila.

          “Good Morning?” She said unsurely lalo pa at nakapaintense ng titig nito na para bang kayang tumagos kahit sa pinakatatagong bahagi ng kanyang sarili.

          “Any headache? Ang mahina nitong sabi habang mahigpit pa ring hawak ang kamay niya.

          “Ha?”

          “Ang dami mong nainom kagabi.” Ang maikli nitong paliwanag.

          Sa sinabi nito noon lang niya naalala ang nangyari kagabi dahilan para mabilis niyang maiiwas ang mga mata dito para lang malakas na mapatili ng walang babalang hilahin siya nito hanggang sa mapahiga na siya sa ibabaw nito bago mabilis nitong ikulog siya s amga bisig nito sa kabila ng kanyang protesta.

          “This is embarrassing you know.” Ang naiiling niyang sabi habang nakahilig sa dibdib and this time naririnig na rin niya ang eratikong pagpintig noon.

          “Nah…Ito ang posisyon na gusto kong kagisnan tuwing magigising ako.”

          Hindi niya napigilan ang mapailing ng lihim, habang tumatagal kasi parang mas lalo lang itong nagiging vocal sa nararamdaman at tuwing gagawin nito iyon hindi niya maitatago ang kakaibang paglukso sa kanyang puso. Alam niyang wala na siyang magagawa dahil magpumiglas man siya ay tiyak na hindi naman siya nito pakakawalan kaya mas minabuti na lang niyang maging komportable sa kanilang pwesto.

          “Hindi ka ba magtatanong?” Hindi na niya mapigilang sabi matapos ang ilang sandali ng katahimakan.

          “Contrary to your belief hindi ako tsismoso.” Ang mahina nitong sabi at kahit hindi tumitingin parang nakikita na niya ang pagsimangot nito.

          Mahina niyang napalo ang dibdib nito dahilan para mapatawa ito ng mahina. Napahugot siya ng isang malalim na buntong hininga.

          “It was on rebellious day. Mula ng macoma si Mama at iparamdam sa akin ng mga kamag-anak niya how unworthy I am…Sumabog na lang ako…gusto kong…” Isang mapait na tawa ang napakawalan niya at naramdaman niyang humigpit ang yakap ni Light. “Ang totoo hindi ko alam ang gusto ko noon…Then one day nagising na lang ako. Tinanong ko sa sarili ko kung ano ba ang ginagawa ko? Bakit ko sinisira ang buhay ko? Kaya pilit akong nagsumikap para patunayan sa lahat na mali sila at para na rin kay Mama.”

          “Hindi na mangyayari iyon…nandito na ako at wala ng mananakit pa sa iyo.” Punong-puno ng determinasyong sabi nito.

          Umalis siya sa pagkakahilig dito at pilya itong tiningnan na agad namang ikinakunot ng noo nito.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon