CHAPTER 55

6.7K 161 13
                                    

CHAPTER 55       

          Hindi mawala-wala ang ngiti ni Light habang mahigpit ang yakap niya kay Gift. She finally said yes and this time alam niyang totohanan na ito at hindi na lang basta siya lang ang nag-insist. Finally his angel is official his at ngayong hawak na niya si Gift hinding-hindi na niya ito bibitawan....Hinding-hindi na kahit ano pa ang mangyari.

          “I love you Gift.” He said softly and sincerely at kahit hindi nakikita alam niyang nakangiti si Gift. Ganito pala ang pakiramdam kapag sinuklian ng taong mahal mo ang nararamdaman mo, sobrang saya parang lumulutang ka sa alapaap o maaaring higit pa.

          “This is sickly sweet.”

          “Tama!”

          Sabay na napatingin ang dalwa sa mga nagsalita para lang makita ang pitong kaibigan ni Light who are watching them with a happy smile.

          Hinawakan ni Light ang isang kamay ni Gift bago ito inakay sa kinaroroonan ng mga kaibigan. “Meet Gift Musica Syan scobar she will be the Infinity’s princess, so treat her well and always protect her. ” Ang seryosong sabi ni Light.

GIFT POV

          Hindi niya alam kung bakit siya pinakikilala ni Light sa pito gayong kilala na naman siya ng mga ito pero hindi niya maitatanggi ang napakalaking tuwang nararamdaman dahil sa mga sinabi nito.

          “Welcome to our family, Princess!” Sabay-sabay na sabi ng pito at dahil sa pinaghalo-halong emosyon ay hindi niya maiwasan ang mapaluha sa matinding kasiyahan.

          “S-salamat.” She said in a teary voice and eyes. Pupunasan na sana niya ang luha niya ng may panyong humarang sa kanyang harapan at ng tingnan niya kung sino ang may-ari noon hindi niya maiwasang magulat ng makita ang always poker face na si Giordan.

          “You’re now our princess and from now on I am one of your knight kaya tanggapin mo na ang panyo ko.”

          Napangiti siya sa sinabing iyon ni Giordan, hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong pagtulong sa kanya at nangangako siyang balang araw ay mababayaran din niya ito. Itinaas niya ang isang kamay para kunin ang panyo nito pero mabilis siyang naunahan ni Light na siyang kumuha ng panyo at mabilis na ibinalik kay Giordan.

          “Light?” She said questioningly.

          “Hindi mo kailangan ng panyo para sa mga luha mo.” Ang seryoso nitong sabi.

          “Ha?” Ang tangi niyang nasabi, pero halos manlaki ang dalawa niyang mata sa sunod nitong ginawa.

          Light gently cup her face bago walang babalang ginawaran nito ng masuyong halik ang magkabila niyang mata.

          “See tumigil na ang luha mo.” Ang masayang sabi ni Light na tila ba proud na proud ito sa ginawa.

          Hindi naman siya makasagot, ang tingnan lang ito ang tangi niyang nagawa. Masyado siyang nagulat sa ginawa nito lalo pa at madalas ay tinetease niya lang ito sa pagiging inosente nito pero.

          Napapito si Luke sa ginawa ng boss hindi naman kasi kaila sa kanila ang pagiging pure ng kanilang boss kapag opposite sex na ang pinag-uusapan. “I didn’t know you had it in you, boss.” Malawak ang ngiting sabi niya.

          “Our boss is finally growing.” Ang kunyari namang naiiyak na sabi ni Nate.

          “Parang dati lang napakainosente pa niya pero ngayon.” Isang exaggerated na buntong hininga ang pinakawalan ni Nashon na tahimik namang sinang-ayunan ng iba.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon