Chapter 29

15 3 101
                                    

DEBORAH’S POV

Abot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.

“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”
Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.

“Byeongyun, ano ba?”

Nang makarating kami sa isang kuwarto ay agad niya akong itinulak sa kama dahilan para mapaupo ako.

“Zero, mun jamgeuseyo,” Zero, lock the door, utos niya sa kung sino habang masama ang tingin sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa talagang malaking pagkakamali na pumunta ako rito!

“Anong lock? Hoy, sino’ng kausap mo?” bulyaw ko nang may biglang nagsalita na rinig sa buong bahay.

“The door was locked successfully,” ani ng boses ng isang babaeng robot.

Doon ko lang napagtantong isa siya sa robot ni Byeongyun.

“Teka, Byeongyun sagutin mo ako! Bakit mo ako dinala rito?” Iniikot ko ang aking paningin sa paligid at sa palagay ko ay kuwarto niya ito.

“We’re going to talk,” malamig niyang sabi bago siya unti-unting lumapit sa akin.

Namimilog ang mga mata kong napaurong ako hanggang sa makasampa na ako nang tuluyan sa kaniyang kama.

“Byeongyun, maghunos-dili ka! Kung ano man ang iniisip mo ay huwag mo nang ituloy pa!” banta ko sa kaniya ngunit para siyang walang naririnig.

Para siyang ulol na aso. Cute na ulol na aso. King ina.

Nang marating niya ang gilid ng kama ay hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang suot na damit saka niya iyon itinaas hanggang sa kaniya na itong nahubad.

King ina talaga! Napapikit ako saka nagtalukbong ng nahagilap kong kumot.

“Byeongyun, ano ba? Ano’ng ginagawa mo? Bakit ka naghubad? Tigilan mo ako, sinasabi ko sa iyo! Wala pa akong alam!” sigaw ko pa habang nasa ilalim ng kumot.

“What are you talking about?”

Agad ko ring inalis ang kumot na bumabalot sa akin at tumambad sa akin ang nakahigang si Byeongyun sa aking tabi. Nakahubad nga siya at may kung ano siya iniaabot sa akin.

“Ano’ng trip mo? Ano ba iyan?” tanong ko.

“Einon recommended this to me. It’s Aceite de Manzanilla. I took off my shirt kasi magpapahilot ako ng tiyan sa iyo habang nag-uusap tayo. Ano ba kasing iniisip mo?”

Para akong tangang napatitig sa kaniya.

All this time akala ko ay kung ano’ng kahibangan ang iniisip niya, iyon pala ay magpapahilot lang ng tiyan. Magpapahilot ng tiyan?

“Bakit ka magpapahilot ng tiyan?”

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya—sa bato-bato niyang tiyan. Oo, may abs ang Goliath ninyo!

Kinuha ko iyong maliit na boteng inaabot niya sa akin saka ako pumihit paharap sa kaniya.

Pumikit siya bago niya ako sinagot.

“Nagtatae ako. Masakit ang tiyan ko,” aniya.

Magrereklamo pa sana ako nang marinig kong kumulo ang tiyan niya.

“Ugh! I think I’m going to poop again,” daing niya bago siya bumaluktot habang hawak ang kaniyang tiyan.

Gustuhin ko mang tumawa ngunit mukhang seryoso nga siya.

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now