Chapter 14

28 3 5
                                    

DEBORAH’S POV

“Sige, Mama,” sabi ko bago ko ibaba ang tawag.

Dahil sa pagkabalisa ay naibato ko sa ibabaw ng mesa ang aking telepono. Nalukot pa ng aking mga kamay ang suot kong palda.

“Excuse me? May nakakita ba sa papel ko?” pasigaw kong sabi sabay tayo mula sa aking pagkakaupo. “May mga sulat iyon para sa sanaysay.”

Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko sa aking gawi ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

“Ano’ng problema, Deborah?”

Nilingon ko si Einon na kapapasok lamang sa loob ng classroom kasama si Watt na kasunod niya lamang sa kaniyang likuran.

“Nawawala iyong draft ng aking sanaysay para bukas,” tugon ko.

“Ha? Paano?”

Umiling ako. “H-hindi ko rin a-alam.”

“Aw. Poor you.” Binalingan ko naman ng tingin si Soobin na kapapasok lamang din sa loob ng classroom.

“I’m so right na nasa risk ang Department natin if you will be the representative of essay category,” aniya pa. “Ije mwoya?” What now?

Mas lalo pa akong na-frustrate dahil sa pagngisi niya.

“Ya! Geuman!” Hey! Stop it! saway ni Watt kay Soobin dahilan para kalabitin siya ni Einon. Samantalang si Soobin naman ay napataas lamang ang kilay dahil sa sinabi ni Watt.

“Anong sinabi mo? Saan mo natutunan iyon?” tanong naman ni Einon.

“Ang cool ko, ‘di ba?” ngiting sagot ni Watt. “Kay Byeongyun.”

Maya-maya’y lumapit sa akin sa Soobin. Suot ang nakakalokong tingin ay kaniyang sinabi, “Goodluck.”

Sa halip na patulan siya ay tiningnan ko na lamang kung paano niya ako nginisian. Bukod sa ayaw ko ng away ay wala akong lakas para patulan pa siya.

Napabuntong-hininga ako bago napaupong pabalik. Habang sapo ng magkabila kong kamay ang aking ulo ay napapikit ako.

Ano ba’ng gagawin ko?

“Miss Macalintal?”

Awtomatikong pumihit ang aking ulo sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Professor Descalsota.

“Ma’am?” tugon ko sabay tayo. Nang mapansin kong sinulyapan niya ang aking katabing upuan ay alam ko na kung ano’ng pakay niya.

“Do you know where Byeongyun is?” tanong niya sa akin.

“Oo nga, Deborah. Nasaan na ba si Byeongyun?” sabat ni Watt.

“Ngayon lang siya naging late. Alam mo ba kung nasaan siya?” tanong din ni Einon.

Naiikot ko ang aking daliri sa aking sintido bago muling binalingan ng tingin si Professor Descalsota.

“Hindi ko po alam, Ma’am. Baka po na-traffic,” saad ko.

So tama pala siya noon pa man na kapag nawala siya ay sa akin siya hahanapin ng mga tao rito? Wow. Malay ko ba kung saan pa siya nasuot. Mabuti sana kung asawa ko siya... joke.

“Can you contact him for me?” tanong pa niya. Nang tumango ako ay saka siya umalis.

Napanguso ako saka ko hinablot ang aking telepono sa aking mesa. Hinanap ko ang pangalan ni Byeongyun sa aking contacts saka nagtipa ng mensahe sa kaniya.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang presensya ng isang maputing kapre. Pero nang malaman niya ang problema ko, sa halip na puntahan si Professor Descalsota ay nagboluntaryo siyang tulungan ako.

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now