Chapter 16

19 4 12
                                    

BYEONGYUN’S POV

“Do you guys really love chicken?” tanong ko kina Einon at Watt na walang awa doon sa fried chicken.

“Bro, parang hindi mo kami kilala. No. Just the meat. They’re awesome!” usal ni Watt habang puno ang bibig.

“Right. Salamat ulit sa pa-chicken dinner mo,” tugon naman ni Einon saka muling kumuha ng drumstick sa bucket.

Napailing naman ako.

I should be at home by now, but I saw these two wandering in front of the restaurant kanina habang pauwi na ako galing kina Deborah kaya agad akong humanap ng space for parking para lapitan itong dalawa.

“You two should call me. Hindi iyong para kayong pulubi kanina habang nasa labas ng restaurant,” sabi ko saka sumandal sa aking upuan.

“Tsk! We have money for chicken dinner kaso...” usal ni Watt sabay lingon sa katabi niyang si Einon.

“Kaso?” Napataas ang kilay ko.

“Kaso kulang,” pagpapatuloy niya sabay ngiti. “Ito kasing si Einon, inubos sa siomai kanina. Hindi tuloy kaya ng budget sa ambagan.”

“Kasalanan ko pa? Alam mo namang gustong-gusto ko iyon!” singhal ni Einon kay Watt sabay mulaga.

“Usapan natin na may chicken dinner tayo tapos ang takaw mo!”

“Nagsabi ang hindi matakaw!”

“Suntukan na—”

“Enough, you assholes! Nasa harap kayo ng pagkain!” saway ko sa kanila nang makita kong malapit na naman silang magsapakan.

Sinamaan ko sila ng tingin bago ko sila tinitigan.

“You two actually planned to have a chicken dinner without informing me. Really?” Pinanliitan ko sila ng mga mata at doo’y nakita kong parehas silang napalunok.

“Speak!” untag ko pa.

Sa halip na sagutin ako ay nagsikuhan silang dalawa habang nakatingin sa akin. Nagpapakiramdaman sila kung sino ba’ng makikipag-usap sa akin.

“Einon? Watt?” sabi ko pa.

Bigla namang sumimangot si Watt.

“Hindi naman sa wala kaming planong hindi sabihin sa iyo kaso alam naman namin na busy ka... busy ka kay Deborah—”

“Watt...”

Napakurap naman ako dahil sa narinig ko. Maya-maya’y napangiti ako.

“Are you guys... jealous?” nakangisi kong tanong.

“No!”

Doon ay napatawa ako dahil sabay pa silang umiling.

“We are not, bro,” sabi ni Einon na tinanguan naman ni Watt.

“Look,” sabi ko. “You guys are my friends, so is Deborah. She just need my help, okay? Kung may plano man kayong dalawa katulad ng ganito, inform me. Katulad ng dati. Tayong tatlo. I’ll find time. Actually, we can invite Deborah some other time. Eat up!”

Ngumiti lang silang dalawa sa akin bago sila nagkatinginan.

“Byeongyun?” sabay nilang tawag sa akin.

“Um?”

“Saranghaeyo!” I love you!

“Oh, come on!”

Sabay-sabay na lang kaming natawa dahil doon.

Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Deborah. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang inasta niya matapos niyang malaman na ako ang tumulong sa tatay niya para mabayaran ang damage sa sasakyan ng kabilang panig dahil sa aksidente.

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon