Chapter 22

26 3 102
                                    

DEBORAH’S POV

“E-Einon?” gulat na sambit ko.

Makailang beses akong napakurap dahil nakita ko kung gaano kaseryoso ang hitsura ni Einon ngayon habang nakatingin kay Bavi.

“Who are you?” nakangiting tanong naman ni Bavi.

Nang hindi magsalita si Einon ay sumabat na ako sa kanilang dalawa.

“Ah Bavi... si Einon nga pala. Kaklase ko siya saka kaibigan... kaibigan ni Byeongyun,” sabi ko saka tiningan si Bavi.

“Oh, nice to meet you,” bati naman ni Bavi.
Lumingon ako kay Einon saka ko sinabing, “Siya si Bavi, CPE President.”

Matapos ng ginawa ko ay bigla naman akong naguluhan. Bakit ko nga ba sila ipinagkikilala?

Nang mapansin ko pang pareho pa rin silang nakahawak sa magkabilang braso ko ay agad ko iyong hinigit mula sa kanila.

“Sandali nga! May mga braso naman kayo, iyon na lang ang higitin ninyo!” sabi ko saka binalingan ng tingin si Einon.

“Bakit ka nga pala narito, Einon?” tanong ko sa kaniya.

Tila bumalik siya sa kaniyang huwisyo at kapagkuwa’y napakamot sa kaniyang ulo.

“Gusto lang kitang... ihatid sa inyo kasi... kasi wala si Byeongyun ngayon,” aniya na hindi makatingin nang maayos sa akin.

Naagaw ni Bavi ang aking atensiyon nang bigla siyang huminga nang malalim. Nang makita ko siya ay nakangisi siya’t nakapamulsa na.

“Mexico,” aniya saka ako tiningnan, “do want to come with me or you want him to take you home?”

Ilang segundo akong napatitig kay Bavi. Mahinahon lang niya iyong sinabi suot ang isang maaliwalas na mukha habang nakalitaw ang ngiti sa kaniyang labi.

Kahit naguguluhan ako sa ikinikilos ni Einon ngayon ay sa kaniya rin ako sumama sa huli dahil bukod sa nagpaubaya na si Bavi at kahit sinabi kong kaya ko ng umuwi mag-isa ay pareho pa rin nila akong gustong ihatid.

Wala na ang araw. Madilim na sa paligid at puno na ng mga ilaw ang daan. Habang nakaangkas ako sa motor at nakakapit ako sa baywang ni Einon ay bahagya akong napasulyap sa kaniya.

Kung tutuusin ay naiilang ako dahil bukod sa hindi naman kami ganoong kalapit sa isa’t isa ay ito ang unang beses na lapitan niya ako at boluntaryong ihatid ako pauwi.

Purong Pilipino si Einon. Kayumanggi ang balat niya at hindi nalalayo ang taas niya kay Byeongyun. Kung tutuusin ay taglay niya ang guwapo ng isang Pilipino.

Pagkarating namin sa harap ng bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan niya.

“Salamat sa paghatid, Einon,” sabi ko saka iniabot sa kaniya iyong helmet na suot ko kanina.

“Ang cute ng bahay ninyo,” sambit niya habang nakasulyap sa aming munting bahay saka nag-alis ng sarili niyang helmet.

“Cute?”

“Oo. Maliit pero cute. Parang,” aniya sabay lingon sa akin, “ikaw.”

Unti-unti ay kumurba ang aking mga labi dahil sa kaniyang sinabi.

“Lait na puri?” usal ko na tinawanan naman niya.
Makaraan ang ilang segundo ay naisip ko ng magpaalam sa kaniya para sana pumasok na sa loob. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay tinawag naman niya ang aking pangalan.

“Ah Deborah,” aniya.

“Um?”

“Ano... congrats. Naipanalo mo iyong pagsulat ng sanaysay kanina. Ang... ang galing mo,” bati niya sa akin na bakas sa boses ang hiya.

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now