Chapter 2

167 29 7
                                    

BYEONGYUN’S POV

“Zero oneul sigangwa nalssi,” Zero, today’s time and weather, nakapikit kong utos kay Zero.

“The time is 6:32 am. Humidity is 96%, 4% rain probability, precipitation is 0.01016 mm, wind chill is 26, dew point is 25, 6% cloud cover, and UV index is 0.”

“Kamsahamnida.” Thank you.

Dahan-dahan ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nilapitan ko na rin ang floor-to-ceiling na pinto at nagsisilbi na ring bintana sa aking kuwarto saka hinawi ang kurtinang nakaharang dito.

“Zero, nalsi johjyo?” Zero, nice weather, isn’t it? sabi ko sa oras na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.

“Ye, majjayo,” Yes, that’s right, tugon ni Zero.

Voice command ang bahay ko. At iyong kinakausap ko kanina ay si Zero, pangalang ibinigay ko sa kaniya.

Matapos kong pagmasdan ang labas ay hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kahit na anong damit nang maisipan kong lumabas na mula sa aking kuwarto. Bukod sa ako lang naman ang tao rito ay puro lang naman mga babaeng robot ang kasama ko.

Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng maiinom mula sa refrigerator.

“Byeongyuna! Byeongyuna!”

Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isa pang boses ng babaeng robot, si Uno.

Uno is a humanoid, four feet and six inches tall, and weighed 70 pounds. Kumbaga sa tao, ang taas niya’y para lamang sampung taong gulang na batang babae pero matured at advanced si Uno. She could walk with or without voice command, could speak about thousands of words, and could move her head and arms. Uno’s body consisted of steel gear, a camera and monitor, and motor skeleton covered by aluminum skin. Kulay pink siya ngayon.

“Byeongyuna! Byeongyuna!” muli niyang pagtawag sa akin.

Pagharap ko sa kaniya’y bitbit niya ang isang stripes na shorts dahilan para bahagya akong matawa.

“Uno-ssi? Mwohaneun geoya?” Miss Uno? What are you doing? natatawa kong tanong sa kaniya.

“Could you please wear your shorts, Byeongyuna? I hate seeing you walking around naked. Your thing is swaying.”

“M-mwo?” W-what? Mas lalo akong natawa. “My thing? My thing is swaying—ah. This?” sambit ko sabay turo sa aking alaga.

“I hate you! I hate you!” paulit-ulit niyang sabi saka nagpaikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Bigla ring nagkulay pula ang kaniyang mga ilaw, senyales na naiinis siya.

“Alright. Give me my shorts, Uno. I’ll wear it.”

Doon ay lumapit siya sa akin saka niya iniabot ang shorts na kaniyang hawak-hawak.

“Your thing is swaying. Your thing is swaying. So disgusting! So disgusting!” aniya pa bago tuluyang bumalik sa sala.

Napailing ako’t muling natawa dahil daig ko pa ang may kasamang totoong babae.

Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-inom noong tubig saka muling bumalik sa aking kuwarto upang maghanda na sa pagpasok.

Isang oras pa bago ang unang klase sa umaga ay nakarating na ako sa school. Akala ko ay mapayapa akong makapaglalakad sa loob ng campus ngunit mali ako.

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon