Chapter 11

34 4 2
                                    

DEBORAH’S POV

“Papatayin ko ba ang character? Ano ba’ng isusunod ko? Hay!”

Napasubsob na lamang ako sa aking mesa nang hindi ko magawang sundan ang isinusulat kong nobela.

Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang magsulat. Sa pagkakantanda ko lang ay isa ang pagsulat ng mga kuwento sa pampalipas-oras ko.

She left me. Dami left me. I still have no idea why, so I’ll not be using this until she comes back.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang mga katagang iyon na nakasulat sa Bio ng Instagram account ni Byeongyun.

Buwan na ng Agosto, isang buwan na ang nakalilipas matapos kong halungkatin ang account niyang iyon at ni minsan... ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kaniya iyon. Natatakot akong magtanong at ayaw kong makialam. Hindi ko nga lamang lubos na maintindihan ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking mga nakita gayong unang-una ay wala naman akong kinalaman doon.

Bahagya naman akong napalingon sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nasaan na kaya ang Goliath na iyon?

“Class, listen!”

Tumunghay naman ako saka umayos ng upo. Isa kasing maawtoridad na boses ang umalingawngaw at nangibabaw sa maingay naming classroom. Vacant hours pa noon kaya hindi namin inaasahan ang bilgang pagpasok ng isa sa mga professor namin.

Nang ang lahat ay umayos ng kanilang upo ay muling nagsalita si Professor Descalsota.

“Miss Pimentel of Class B just made her decision to back out from joining in Pagsulat ng Sanaysay category of our upcoming Buwan ng Wika Celebration,” saad niya.

“I heard she will be out of town for a week,” usal ng isa sa mga kaklase ko.

Si Gilda Pimentel ay isang Third Year Psychology student na kilala dito sa school at batikan na sa larangan ng pagsulat.

“Yes. Sa isang araw na iyon at hindi ko na talaga mabago pa ang kaniyang isip. May I know kung sino ang interested para sa Pagsulat ng Sanaysay? Anyone?” tanong ni Professor Descalsota.

Sumunod ang katahimikan matapos ang tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung may interesado ba’t nahihiya lang o wala talagang may gustong sumali.

Isang lalaki naman ang biglang pumasok at agaw-atensiyon dahil sa suot niyang pulang bandana sa may noo niya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang badboy dahil sa hitsura niya ngayon.

“I can... actually recommend the best student for that, Professor,” aniya sabay sulyap sa gawi ko.

“Oh, you’re finally here, Mr. President,” nakangiting bati naman pabalik ni Professor sabay tapik sa balikat nito.

“Who are you talking about, Mr. Yoon?” masayang sabi pa ni Professor Descalsota. “Who?”

Tama. Isa ng Preaident si Byeongyun. Siya ang elected President noong nakaraang botohan upang mamuno sa buong Department namin. Hilang-hila ng kaniyang hitsura ang boto ng mga estudyanteng harot.

Sa kabilang banda, deserved naman ni Byeongyun ang puwesto. Matalino at responsable rin naman talaga siyang estudyante kung tutuusin.

Maya-maya’y ngumiti si Byeongyun, ngiting may kung anong binabalak.

“Miss Macalintal is an author. I caught her once writing a story. I guess she can be our Department’s representative in Essay Writing Category.”

“You mean, Miss Deborah?”

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon