Chapter 21

24 3 40
                                    

DEBORAH’S POV

“Sandali lang, Deborah! Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Einon matapos ko silang talikuran ni Watt.

“Dito lang sa tabi-tabi,” tugon ko saka nagpatuloy sa aking paglalakad.

Nakayuko akong naglakad paalis matapos kong marinig sa bibig ni Einon na kasama ni Byeongyun si Soobin.

May ilang nakatabig sa akin dahil hindi rin talaga ako nakatingin sa daan.

“Aba! Bakit ba ako malungkot? Ano namang pakialam ko kung magkasama sila? Ayos nga iyon para wala ng manggugulo sa akin!” wala sa sariling sigaw ko kaya’t napalingon sa akin iyong mga nakakasalubong ko sa hallway.

Pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin tapos ang mga kaganapan sa loob ng gym. Maingay pa rin doon at puno ng mga estudyante at mga bisita.

Nang masipat ng aking mga mata ang isang bakanteng upuan sa may garden malapit sa Engineering’s Department ay naupo ako roon.

“Deborah,” aniya sabay hawak sa magkabilang balikat ko, “I’m not sure about what really upsets you about me helping your father. That’s why I’m here. I want to talk to you. Please, don’t ignore me like this.”

“Please, let’s talk. I want to know—”

“Layuan mo muna ako!” sigaw ko sa kaniya.

“Hay! King ina, Deborah! Okay na siya! Huwag ka nang makonsensiya!” reklamo ko sa aking sarili bago ako napasandal.

Nang tumingala naman ako’y nagulat na lang ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Agad akong umayos ng aking upo bago pumihit patalikod upang tingnan siya.

“Mexico? Again?”

“Bavi?” tugon ko nang makumpirama kong si Bavi nga ang lalaking iyon.

Agad siyang umupo sa aking tabi saka niya ako nginitian.

“Why are you here? I thought you would go and talk to that guy?” tanong pa niya.

“Ah... ano kasi...” Napakamot ako sa aking batok.

“Why? It didn’t work?”

“Actually, umuwi na siya kaya hindi ko na siya naabutan dito sa school,” tugon ko saka ako pilit na ngumiti.

“Ah, that’s why you’re swearing?” natatawa niyang sabi. “Ang lakas ng boses mo noong nagmura ka. Really that mad?”

Bigla naman akong nahiya. Narinig niya pala iyon kaya baka siguro ay naagaw ko ang atensiyon niya at nilapitan niya ako.

“Sorry,” nauutal kong sabi.

“Stai gia bene?” Are you already okay?

Awtomatikong kumunot naman ang aking noo.

“Ha?”

“Ah,” ngumiti siya sabay hawak sa aking baba saka ipinaling sa magkabilang bahagi.

Aw. Bakit ba ang sweet ng gestures ng lalaking ito?

“Your cheeks seem okay now,” dagdag pa niya.

“Okay na naman ako,” sambit ko saka ngumiti. Nang mapansin ko ang suot niyang ID ay doon ko nakitang third year college na pala siya. “Third year ka na pala.” Agad siyang napasulyap sa ID niyang nakaharap sa akin.

“Oh, yes. Why? Do I look... younger?”

Unti-unti ay napaismid ako.

“May taglay ka ring hangin, ano?”

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon