Chapter 41

6 1 0
                                    

DEBORAH'S POV

I was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.

Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.

"I won't judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman," nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. "Mahal kita pero hindi ako support, bro."

Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.

"Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig," nanunuksong dagdag pa ni Einon. Napayuko si Watt saka hinilot ang kaniyang sentido. Malamang ay nagpipigil na itong manapak.

Nang mag-angat ng tingin si Watt ay napalunok si Einon na siyang ikinangiti ko.

"I like her kahit halos lahat ay hindi siya gusto. Saka bakit ba? Wala ngang comment si Byeongyun tapos ikaw, daig mo pa ang nanay ko," nakangusong litanya ni Watt.

Einon made a face. Sabat ni Byeongyun, "I didn't say anything, but that doesn't mean that I support you."

Oh. Walang emosyon na sinabi iyon ni Byeongyun. Mukhang wala na talaga siyang amor kay Soobin.

Ngumuso si Watt at mas lalong nang-asar si Einon. "Ang daming iba," aniya.

"Alam ko pero anong magagawa ko kung nagkagusto ako sa malditang iyon?"

"Sus. Gusto mo pa rin ba siya?"

Hindi agad nakaimik si Watt. Sa hitsura niya ay mukhang oo ang isasagot niya. Malamang. Hindi naman kasi gano'ng kadaling alisin ang nararamdaman para sa isang tao.

Totoong hindi ko gusto si Soobin pero wala naman kaming karapatan na diktahan si Watt. Isa pa, hindi madali ang ginawa niya. He exposed her though she was the woman he adores.

"Hindi naman katulad ng pagtae ang pagkakagusto sa isang tao," saad ni Watt na nakapagpasamid kina Byeongyun at Einon. Pati ako ay napatitig sa kaniya. "Kapag naitae mo na, wala na iyong feeling na natatae. Iyong pagkagusto ko sa kaniya, hindi gano'n."

"Gross." Napailing si Byeongyun.

"Kadiri," ismid na sabi naman ni Einon.

"Ikaw ba, hindi?" Biglang tumaas ang kilay ni Einon sa banat ni Watt. Akala mo ba hindi ko alam na nagkagusto ka kay Deborah?"

Ay king ina, Watt.

Agad akong napamulaga sa aking narinig. Mabilis ding umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko nang magtama ang tingin namin ni Einon. Ang bilis namang sumegwey ng topic?

"Ha?" Napaawang na lang ang bibig ko. Hindi ko kasi inaasahan na mauungkat pa iyon. Hindi ko rin nabanggit kay Byeongyun kasi para saan?

Pero sabagay. Ang alam ko lang naman ay nagkagusto sa akin si Einon. Hindi ko alam kung bakit at paano niya ako nagustuhan. Hindi ko na rin naman siya tinangkang tanungin dahil ang pag-amin niya sa nararamdaman niya para sa akin ay ang huling beses din na sinabi niyang gusto niya ako.

"Hoy gago ka. Ano'ng sinasabi mo?" namimilog na mga matang singhal ni Einon.

"Bakit? Takot ka ba kay Byeongyun?"

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now