Chapter 27

22 3 102
                                    

BYEONGYUN'S POV

I have been staring at the ceiling for awhile now. Finally after staying at Jiyun noona's house for three straight days ay nakauwi na rin ako. Ni hindi man lamang niya ako inihatid pauwi kahit alam niyang masama ang aking pakiramdam kahapon.

I got addicted to dumplings kaya nanibago siguro ang tiyan ko.

Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay niya kung hindi ang kumain nang kumain, manood ng movie, maglaro ng online games at...

"Noona! I told you na ayaw ko sa blind date! Ayaw ko! Bakit ba tuwang-tuwa kang ibugaw ako? Mukha ba akong langaw?" asik ko kay Ate ngunit hindi niya ako pinansin.

Napasapo ako sa aking noo bago ko tinitigan ang repleksyon niya sa salamin.

Nakaupo kasi siya sa harap ng isang malaking salamin sa kaniyang kuwarto habang may nakatutok na ring light sa kaniya.

"Look, hindi ako pupunta, okay? I won't!" naiinis ko pang sabi bago ako tumalikod upang lumabas mula sa kaniyang kuwarto.

"Ayaw ko! Nonsense!" patuloy na reklamo ko.

"Why? Is it because you're into Deborah already or is it because you're still hoping for Kang Dami?"

Napahinto ako.

"W-what?" sambit ko sabay lingon muli sa kaniya.

Tiningnan niya ako nang may pag-aalala.

"Byeongyun, it's been... four years? Dami left you for a very long time already. I think... I think Kang Dami is really not coming back, brother."

Hindi ko pa rin maikakaila na kahit ganoon na katagal na iniwan ako ni Dami nang wala man lang paalam ay masakit pa rin sa dibdib na parang nilulukot at sinasaksak.

Bumuntong-hininga ako nang masipat ko si Uno sa tabi ng aking kama habang naglilinis. Pero sa halip sa siya ang tawagin ko ay si Zero ang inutusan ko.

"Zero, look for Dami, Kang Dami," sambit ko.
Makalipas lamang ang ilang segundo ay nagsalita na si Zero.

"I'm sorry. There were no results found for Kang Dami."

Mariin akong napapikit.

"Where are you? Why don't you even have a social media account? Ugh, Dami! I really... really miss you..."

"Visitors! Visitors!"

"Kapchagiya!" Why so sudden!

Bahagya akong nagulantang nang biglang sumigaw si Uno.

"Visitors! Visitors!" ulit ni Uno at doon ko lang narinig ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama saka tumayo. Habang hawak ang nagwawala kong tiyan ay lumakad ako palabas ng aking kuwarto.

"They must be Watt and Einon," bulong ko saka tumungo sa pinto upang siguraduhin mula sa maliit na monitor kung sino nga ang bisita ko.

Nang mabalitaan kasi nilang umuwi na ako ay agad silang nagplanong bisitahin ako.

Pag-encode ko ng password ay agad na bumungad sa akin ang isang mahigpit na yakap mula kay Watt pagbukas ng pinto.

"Byeongyun! Byeongyun, I miss you! Na-miss kita nang sobra, bro!" aniya na halos lumambitin na sa akin.

"Hey, Watt! Get off of me!"

Pilit ko siyang itinulak ngunit dahil nanghihina ako ay hindi ko siya maalis mula sa akin. Para siyang tuko na tinubuan ng tao ngayon.

Fulfilled Duties (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora