Chapter 8

68 18 3
                                    

BYEONGYUN’S POV

“Galit ka ba?” tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.

Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?

Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.

“Remember,” bulong ko, “I’m too cute to be ignored, midget. I’m telling—”

“Look at them!”

“Omg!”

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.

Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.

“Everyone, eyes on me!”

Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.

“Alright. I think, we... we should just talk later,” sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap ni Deborah. Ganoon rin naman ako. Bahagya rin kasi akong nahiya dahil sa nangyari.

Nang matapos naman ang klase ay mabilis pa sa alas kuwatro nang mawala siya agad sa loob ng classroom.

“Umalis na. Hindi mo nakita?” sabi ni Einon sabay tapik sa aking braso nang mapansin niyang may hinahanap ako sa paligid.

“Sa tingin ko nga,” sabi ko na lamang.
Lumabas ako kasama sina Einon at Watt saka kami nagdiretso sa isang kainan.

“I guess, a kiss to shut up a girl never gets old, bro,” iiling-iling na sambit ni Einon habang nakatingin sa akin. Kapagkuwa’y ngumiti siya.

“I wonder kung ano talaga ang reaksyon ni Deborah kung hindi sana biglang pumasok iyong masungit nating professor,” dagdag ni Watt saka nilantakan iyong pritong manok sa aming table.

“Magugulat, o kaya naman ay sisigaw,” tugon ni Einon.

“Puwede ring baka nasampal niya si Byeongyun?” natatawang pahabol pa ni Watt.

“Look. I didn’t mean to kiss her,” depensa ko saka sumandal sa aking inuupuan. “It was just an accident.”

“Right. Aksidente naman talaga iyon. Pero sa tingin mo, okay lang kaya siya after what happened between her and Soobin?” tanong ni Einon.

“Ano kayang nasa isip niya ngayon, ang first kiss ninyong dalawa o iyong mga nalaman niya tungkol kay Soobin at sa iyo?” dagdag na tanong rin ni Watt.

Napabuntong-hininga ako.

“I’m not sure. We still need to talk about it. We really need to talk, but I guess it’s still awkward for her to face me.”

“Delikado si Deborah sa iyo, bro. Siya ang inaaway dahil sa iyo, at ang daming nagagalit sa kaniya dahil sa iyo. Sugatan ko kaya minsan iyang mukha mo?”

Ngumisi ako. Sabi ko, “I would be grateful, but I’ll still be the Byeongyun they know that they always wanted.”

Sinamaan ako ng tingin ni Einon.

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now