Chapter 28

9 2 0
                                    

DEBORAH'S POV

Mukhang masama ang panahon ngunit hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ito.

Kinakabahan ako.

Mas kinakabahan pa ako kumpara sa nakaraang pagsali sa mga wriing contests.

King ina. Hindi ko na kaya. Masyado na akong kinakain ng konsenya ko.

"Narito na ako e, uurong pa ba ako?" reklamo ko sa aking sarili.

Sayang ang ipinamasahe ko papunta rito kung uuwi lang ako agad. Pasalamat na lang ako kay Bavi dahil inihatid niya ako pauwi kahapon kaya hindi nagalaw ang singkuwenta pesos at ilang barya na natitira sa aking wallet.

Wala pa rin naman akong mahihingi sa mga magulang ko dahil pareho silang walang trabaho. Sa katunayan ay ngayon pa lang ay mukhang babaon na kami sa utang.

Ilang minuto na akong nakatitig sa doorbell ng pinto ni Byeongyun.

"Pipindutin ko na ba?" Mariin akong napapikit sabay pindot sa doorbell.

Nang magbukas ang pinto ay agad ko siyang niyakap.

Wala ito sa aking plano ngunit ito lang ang magagawa ko para hindi niya makita ang mukha ko.

Nahihiya ako pero parang mas nakakahiya itong ginagawa ko!

"Hey! W-why are you hugging me? Who... who are you?" tanong niya.

Halatang gulat na gulat siya kaya hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya ngayon.

"Nanalo ako sa essay," sambit ko habang nakasubsob sa kaniyang dibdib.

Kung puwede na nga lang sanang tumakbo na lang ngayon paalis ay ginawa ko na. Sayang kasi talaga ang nagastos kong pamasahe kung magpapakain pa ako sa hiyang nararamdaman ko.

"M-midget?"

Ito na. Nahulaan na niya kung sino ako.

"Huwag kang gagalaw! Diyan ka lang!" sabi ko na hindi pa rin bumibitiw sa kaniya.

"W-what?"

"Basta huwag kang gagalaw! Mamaya na. Ganito muna," sambit ko pa.

"Bakit ka narito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Puwede bang huwag ka na munang magtanong? Manahimik ka muna kahit saglit lang! Puwede ba iyon?"

King ina talaga. Ano ba itong ginagawa ko?

"Mid-"

"Sshh!"

"Fine."

Tumagal siguro iyon ng isang minuto dahil hindi nga gumalaw si Byeongyun.

Sana puwede kong patigilin ang oras para makaalis na ako sa kahihiyaang ginagawa ko ngayon.

Maya-maya'y dahan-dahan siyang nagsalita.

"Um. You said you won the essay writing, bakit may prize akong hug? Or are you trying to tell me that you missed me kaya gusto mo munang masulit ang pagyakap mo sa akin?"

Awtomatikong nagpanting ang aking tainga kaya agad ko siyang naitulak palayo sa akin. Sa lakas niyon ay nakita ko na lang na nakabulagta siya ngayon sa sahig.

"Aw! My butt!" daing niya habang hawak ang puwet niya.

Agad akong tumalikod nang tingnan niya ako.

"Ang sakit ha? Pagkatapos mo akong yakapin, sasaktan mo lang ako? Bakit mo ako tinulak? Bakit ba gustong-gusto mong saktan ako?" aniya na nagpabalik sa aking sa huwisyo.

Saktan.

"Ang... ang OA mo! Masakit? Parang hindi naman!" asik ko sa kaniya habang pirmi pa ring nakatalikod.

King ina. Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman ang guilt na nararamdaman ko simula pa noong selebrasyon ng Buwan ng Wika.

"Ikaw kaya ang itulak ko tapos mabagsak iyang puwet mo sa sahig? Hindi ka kaya magreklamo?" aniya kaya nagsalubong ang aking kilay.

"Oo na! Masakit na! Ang dami mong sinasabi! Ewan ko sa-"

Napapreno ang bibig ko dahil sa sumunod niyang ginawa.

Natigalgal na lang ako sa aking kinatatayuan matapos niya akong yakapin mula sa aking likuran. Hindi ko inaasahan ito.

Parang biglang nag-fast forward.

O sadyang mabilis lang talaga ang tibok ng puso ko?

"Don't you dare try to look at me kung ayaw mong mahalikan na naman ang labi ko," sambit niya dahilan para maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking tainga.

"A-ano ba'ng ginagawa mo?"

Nang tangkain kong alisin ang braso niyang nakapulupot sa aking baywang ay agad niya akong pinigilan.

"Don't move. Stay. Just... just for another minute."

Para akong de-susi na awtomatikong sumunod sa kaniyang sinabi. Hindi nga ako gumalaw at hinayaan siyang nakayakap sa akin hanggang sa maramdaman ko na ipinatong na niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

Para akong sinemento at para siyang nakayakap sa isang estatwa ngayon.

Bakit niya ba ito ginagawa? Hindi ba dapat ay galit siya sa akin? Dapat pinapaalis na niya ako ngayon sa bahay niya?

"I didn't expect you here, but thank you. Thank you for visiting me," bulong niya dahilan para mapapikit ako.

Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay malaking kawalan sa akin si Byeongyun noong mga panahon hindi kami magkasundo. Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko na ang boses niyang dati ay lubos na kinaiinisan ko.

Ano ba itong nararamdaman ko? Ano ba'ng nangyayari sa akin?

Ayoko mang aminin ngunit gusto ko... gusto ko ang yakap niya. Gusto ko ang yakap ni Byeongyun.

"Na-miss din kita, midget."

Parang may tumunog na bell sa utak ko na senyales na tapos na ang kalokohang ito.

Walang pag-aatubiling umikot ako paharap sa kaniya saka siya piningot sa kaniyang tainga.

"Alam mo, masyado kang mahangin! Ayos na sana e. Drama na. Anong na-miss mo rin ako e wala naman akong sinabi na-miss kita?" singhal ko sa kaniya saka ko binitawan ang kaniyang tainga.

Ngumuso naman si Byeongyun sabay himas sa kaniyang tainga.

"Kakasabi mo lang, ang bilis mo namang i-deny," aniya.

Nang makita niya ang lukot na mukha ko ay tinawanan niya ako.

Gusto ko sanang mainis pa ngunit parang ginamot iyon ng mga tawa niya ngayon. Iyon iyong mga tawang hindi ko nakita nitong mga nakaraang araw.

Tawa na madalas kong kinaiinisan ngunit parang nakapagpagaan ng loob ko ngayon.

Parang hindi kami nag-away. Parang walang nangyari. Parang hindi siya galit sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya. Parang walang problema.

"Midget? Ang seryoso mo. Ano na naman ba'ng iniisip mo?"

Bumalik ako sa aking huwisyo nang kumaway siya malapit sa aking mukha.

"May naisip lang ako," seryoso kong sabi.

"What is it?"

Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ko ibinato sa kaniyang ang tanong ko.

"Hindi ka ba galit sa akin?"

Sa totoo lang ay parang sobrang tagal ko siyang hindi nakita dahil sa ngiti niya ngayon sa akin. Nakapang-aakit ang ngiti na iyon nang biglang tubuan siya ng mahabang sungay dahil sa mala-demonyo na niyang ngiti ngayon.

"Galit ako, midget. Galit na galit! Kaya halika rito sa loob dahil mag-uusap tayo!"

Bigla akong nagsisi nang hilahin na niya ako nang tuluyan sa loob.

King ina, alam ko ito e. Mag-uusap lang daw pero... pero ahh! Hindi! Help! Mama!

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon