Chapter 40

6 1 0
                                    

WATT'S POV

Sabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.

I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn't help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.

"Hindi ninyo pa rin ba makontak?" tanong ni Deborah habang pinipilit na tawagan si Byeongyun. "Nasaan na kaya ang lalaking iyon?"

"Malaki na si Byeongyun. Kung nasaan man siya, alam kong ayos lang iyon," sabat ni Einon. "Huwag ka ng mag-alala masyado sa future mo."

"Ano, pre?" natatawang sabi ko pero sa loob-loob ko ay hindi ako mapakali.

"Hoy, Einon! Ano kamo? Tama ba ang narinig ko? Future?" tanong pa ni Deborah. "Future ano? Future kaaway sa korte?"

Bahagyang tumawa si Einon bago niya tinitigan si Deborah. I could feel the awkwardnes between the two. Parehas kasing umiwas ng tingin sa isa't isa.

"Bakit? Magle-level up pa ba ang pababangayan ninyo at aabot pa sa korte?" pabirong tanong ko.

"Saka mukha namang ayos na kayo ni Byeongyun... sandali. Ano'ng nangyari sa inyong dalawa?"

King ina ni Einon, hindi niya maitatago sa akin ang pagkagusto niya kay Deborah! Pero syempre, tahimik lang ako.

"Ha?" nauutal at sabay na tugon ni Einon at Deborah sa akin kaya mas lalo lang naging hindi kumportable ang paligid para sa kanila.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Watt?" maang na tanong naman ni Einon saka ako inakbayan. Para talaga akong may buhat na sampung kilong bigas kapag nakakapit siya sa akin!

Napanguso ako. Naliit din ang aking mga mata habang panay ang tingin sa kanilang dalawa.

"May hindi ba ako alam? Bakit parang may naaamoy ako?" tanong ko. Napakamot naman si Einon sa kaniyang batok sabay sapok sa akin. Ay king ina ha?

"Utot mo lang iyon."

"Hindi. Fishy e," giit ko pa kahit alam ko naman talagang mayroong kakaiba. I wondered if Einon already confessed and got dumped.

"Ikaw lang iyon. Ikaw lang naman ang amoy malansa dito e."

Inamabahan ko ng suntok si Einon sabay sabing, "King ina!" Agad namang nasalag ni Einon ang suntok na iyon.

"Biro lang. Tara na nga! Kung ano-ano'ng naaamoy mo e," sambit pa niya saka ako hinila. Nakita ko pang kinindatan ni Einon si Deborah bilang senyas na siyang ikinatawa nito. Sus!

Pasado alas singko na ng hapon. Paglabas namin ng gate ay nagkatinginan kaming tatlo.

"Wala ang sasakyan ni Byeongyun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita. Ni text ay wala. Paano na itong bag niya?" tanong ko saka ipinakita sa kanila ang hawak kong bag.

"Let Deborah take care of it, Watt. Okay lang ba?" tanong niya.

"Ha?"

Natahimik si Deborah sa ngiti ni Einon. King ina, ang pogi ng kaibigan ko.

Fulfilled Duties (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon