Chapter 12

27 3 0
                                    

BYEONGYUN’S POV

Pasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.

Ano ba’ng magagawa ko kung sa tingin ko’y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?

Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako’t muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.

Why are there so many unfair people?

“Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!” It’s really upsetting. Tsk!

Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.

Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.

Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.

“Maraming salamat, anak. Pasensya ka na ulit. Wala na kasi akong ibang mahihingian agad ng tulong. Hayaan mo’t agad din kitang babayaran,” ang sabi sa kaniyang mensahe. Agad naman akong nagtipa.

“It’s fine, Tito Paps. I really want to help. Good thing, ako agad ang naisip ninyo,” sabi ko.

Matapos ang maikli naming usapan ay napasulyap ako sa aking relo at late na talaga ako.

Hindi ko pa man naipapatong ang aking telepono sa dashboard ay muli na naman itong tumunong.

Napangiti na lang ako nang makita ko kung sino ang sumunod na nagtext sa akin.

“Hoy, pangit! Nasaan ka na? Bakit ka late? Presidente tapos late? Hinahanap ka sa akin ni Madam Descalsota. Ang daming naghahanap sa iyo! Mukha na akong hanapan ng mga nawawalang tao, kung tao ka man. Hindi ba nila naisip na hindi naman kita kayang itago? Sa laki mo ba namang iyan! Nasaan ka na? Bilisan mo!”

Si Deborah.

Habang nakangisi ay nagtipa ako. Sabi ko, “See? Once na mawala ako, sa iyo ako hahanapin. I’ll be there in 15 minutes, midget. Hang on. Don’t miss me too much.”

“Tang in a moo ka!” agad na reply niya dahilan para magsalubong nang husto ang aking kilay.

“Mwoya?” What? natatawa kong usal sa aking sarili. “Ilang language ba ang alam niya? Tss.”

Matapos iyon ay agad ko nang pinaharurot ang aking sasakyan papuntang school.

Habang nasa daan ay natatawa ako dahil kay Deborah. Nang maalala ko pa ang usapan namin kahapon ay mas lumapad ang aking ngiti.

“Pero gusto mong maging reward ang makita ang mga robots ko? Is it really because of Zero and Uno? Baka kasi gusto mo lang makita ang future house mo,” usal ko kaya nakatanggap na naman ako ng hampas sa braso mula sa kaniya.

“Hindi ko na naman ma-reach kung saan na naman nakaabot iyang utak mo!” bulyaw niya sa akin.

“Fine. Fine,” pagsuko ko. “You’ll see them kung... kung mananalo ka. Pero kung hindi ka mananalo...”

Nang ngumisi ako’y agad niya akong hinampas. Ang pag-iwas sa mga panghahampas niya ay hindi ko na magawa dahil sa bilis niya.

“Ano kasi? Ano iyong condition mo kapag hindi ako nanalo?” tanong niya.

“Be sure not to back out with our deal once I said my condition kapag hindi ikaw ang nanalo.”

Fulfilled Duties (Completed)Where stories live. Discover now