CHAPTER 38.1 : "FIVE"

1.1K 38 7
                                    


 

 

                                           Chapter 38.1 : “FIVE

~~~~~~~~~~~~~~~~ *JOHN OLIVER RODRIGUEZ* ~~~~~~~~~~~~~~~~

                “Himala yata’t hindi na suot ng mahal ko iyong salamin niya? Okay na ba paningin mo?” iyan ang salubong sa akin ni Ethan noong makalabas ako mula sa pinto ng kwarto kung saan ako nag-chemo-infusion. Niyakap niya ako saka hinalikan sa noo.

                “Oo mahal. Okay na iyong paningin ko. Sabi ni Doktora kahit hindi ko na raw isuot iyon.” magiliw kong sagot sa kanya. Tuluyan na akong kumawala sa pagkakayakap niya, at tatlo pang mga nakakalokong mukha ang nakita kong nakaupo sa may upuan sa tapat lang ng kwartong pinanggalingan ko. “Bakit nandito iyang tatlong iyan?” tanong ko kay Ethan na tinutukoy sina Stephen, Kyle at Jared.

                “Grabe naman tol. Parang hindi ka naman masayang makita kami niyan. Nag-communte pa kami papunta dito para mahabol ka.” sagot ni Stephen.

                “Wala eh. Naging mag-boyfriend lang, ayaw na yata tayong kasama.” pakunwaring nagtatampong sagot ni Jared.

                “Gusto ka lang naming samahan pareng Janjan. Alam mo namang nami-miss ka rin naming makasama. Hindi mo ba kami nami-miss at laging iyang mukha ni Pareng Jayjay ang nakikita mo? Kaumay din iyon ah.” natatawa namang sagot ni Kyle.

                Nilingon ko si Ethan na nagkibit balikat lang at nakangisi sa akin. “Iyan na... sinagot na nila iyong tanong mo mahal ah.”

                “Nako, tara na nga. Kayo talagang apat.” pagyaya ko sa kanila at nauna na akong naglakad paalis ng ospital.

                Katatapos ko lang sumailalim sa chemo-infusion ko. Ito na ang ikatlong chemo-infusion na nagkakaroon ako simula noong na-discharge ako bilang outpatient. Ilang chemo-infusion nalang at sasailalim na ako sa bone marrow transplant dahil may nakita ng match na donor sa akin. Pero sa mga nagdaang araw, sobrang bumubuti na iyong kalagayan ko. Kahit papaano ay bumalik na rin sa dati iyong pangangatawan ko. At gaya nga noong napuna ni Ethan kanina, bumalik na rin iyong paningin ko sa dati mula sa pagiging malabo at panghihilo nito. Tumubo na ring muli iyong buhok ko at medyo lumalago na.

                “Mga pare,” tawag sa amin ni Jared mula sa backseat ng sasakyan kung saan pinagigitnaan na siya nina Kyle at Stephen. Nasa daan na kami ngayon pauwi mula sa ospital. “gusto ko lang sana kayong imbitahan sa probinsya namin. Pista kasi sa baryo namin sa susunod na linggo. Malaking pista iyon at masaya. Kaya gusto ko sana kayong makasama doon.” dagdag niya pa.

                “Kami ayos lang kami ni bok dahil ipina-drop ko naman na lahat ng klase ko ngayong sem. Hindi naman na ako nakapasok noong unang dalawang buwan, at para maalagaan ko na rin siya.”sagot ni Ethan. Nilingon ko siya at hinawakan ko iyong kamay niyang bakante kaya napalingon nalang din siya sa akin saka ako nginitian.

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now