CHAPTER 21 : "Impact"

1.3K 50 21
                                    

[OTOR: Hey Mates! Pasensya na at Weekends lang talaga nakakapag-update ah... Masyadong Busy sa School eh, Academics, Mga Orgs, at kung ano ano pa. Sa Jeep na nga lang ako nakakapag-type ng ipang-a-update ko eh. Grabe... Puyat na naman lagi. Hehe.

Chapter Dedicated to @PaulFame Maraming Salamat sa Comment, sa pagbabasa, at sa Straight Vote na ibinigay mo sa previous Chapters.

Song pala sa Multinedia is "Really Don't Care" by Demi Lovato.

I'm so proud of Demi Lovato. She's an Advocate for LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Trans-Gender) Rights. Hindi siya natakot gumawa ng Music Video gaya niyan and Tell the World that LGBT people have their Rights and they Must be Respected.

Try niyong panoorin Mates 'yung Music Video (sa Multimedia or sa YouTube) especially if you are part of the LGBT Community. The Video shows that they are Pride of this World. That they should not be ashamed of who they really are because, gaya nga ng sabi ni Demi Lovato sa intro ng Music Video, "You Don't have to Hate, 'cause my Jesus Loves All."

Sa Non-LGBT naman na nakakabasa nito, or 'yung nga taong Straight... Let's try to respect nalang Mates. Tao naman tayong lahat eh.

PROUD LOVATIC here! :)

Ayon lang. Speech na naman 'to. Haha. May something pala sa Chapter na ito na hindi ko na dapat isusulat pa kasi parang hindi ko kaya, pero nilagay ko na rin kasi feeling ko mas okay kung mayroon. Enjoy! ]

 

Chapter 21 : “Impact”

 

*THIRD PERSON's Point of View*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Taimtim lamang na nakaupo si Oliver sa sofa habang maya't mayang nagpapabalik-balik ang kanyang tingin sa malaking orasan na naka-pwesto katapat ng kanyang kinauupuan. Labis na pagkabagot ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan lamang ang bawat paggalawa ng pang-sekundong kamay ng orasan.

“Janjan, mag-merienda ka na muna at kanina ka pang naghihintay dito.” sabi ni Mrs. Kristoff, si Annalyn ang ina ni Ethan, at inilapag niya sa salaming lamesita ang isang tray na may baso ng juice at isang pinggan na puno nang bagong lutong cookies.

Ilang oras na rin siyang nakaupo dito at naghihintay. Dito siya nagtungo ilang minuto makalipas siyang makauwi mula sa Palawan. Hindi pa raw kasi umuuwi si Ethan simula noong umalis ito kahapon kaya talagang nag-alala na si Oliver at naghintay dito.

Umupo sa tabi ni Oliver si Annalyn. Napansin nito na kanina pa nakatulala ang matalik na kaibigan ng anak kaya marahan niyang inilapag ang kanyang kamay sa tuhod ng nasabing binata, “May problema ba kayo ni Jayjay?” tanong nito kaya agad na napakurap ang mga mata ni Oliver at ibinaling sa ginang.

Malalim munang huminga si Oliver bago sumagot kay Annalyn, “May kaunting hindi pagkakaintindihan lang po Tita.” malungkot niyang tugon. Wala siyang balak na sabihin kay Annalyn ang tungkol sa totoong nangyari. Wala pa siyang lakas ng loob dahil masyado nang marami ang mga nangyari.

“Nako, napagdaanan din namin 'yan ng Mama mo.” bahagyang nakangiti ang ginang noong nagsalita. “Madalas pa nga kami noon na magkatampuhan eh...” naputol ang ginang sa kanyang sasabihin dahil napatawa siya sa pag-aalala noong dalaga pa sila ng Ina ni Oliver, si Demi, ang matalik niyang kaibigan. “Alam mo kasi Janjan, madalas kaming magka-gusto ng mama mo sa iisang lalaki kaya hindi namin maiwasang magkatampuhan noon. Pero naaayos din namin kaagad dahil pinag-uusapan namin ng masinsinan. Natatawa nga ako tuwing naaalala ko iyon dahil ang babata pa namin. Pero alam mo Janjan... tuwing naaalala ko iyong mga iyon ay mas naaalala ko kung gaano naging matatag ang pagiging magkaibigan namin ng Mama mo.” tumigil si Annalyn at hinawakan ang kamay ni Oliver na nakapatong sa kanyang tuhod, “Kaya sana, kung ano mang alitan ang namamagitan ngayon sa inyong dalawa, sana ayusin niyo 'yan at pag-usapan niyong mabuti.” ngumiti ang ginang at nagpatuloy, “Kilala ko ang anak ko. Alam kong may pagka-pilyo si Jayjay at madalas ay sumpungin, pero Janjan... Huwag ka sanang sumuko sa kanya ha?” pinisil ni Annalyn ang kamay ni Oliver. Tahimik lang na nakikinig si Oliver habang pinapasok sa sistema niya ang mga sinasabi ng Ina ng taong kanyang mahal. “Mag-usap muna kayo at ayusin iyan... Dahil sa huli ay kayo't kayo pa rin ang naririyan upang magtulungan at para iangat ang isa't isa.”

It's Not Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon