CHAPTER 26 : "Before Anything Else"

1.2K 45 5
                                    

[OTOR: Medyo Boring. Don't worry mates. Magiging sulit ang mga susunod na kabanata. Maisalba ko lang 'tong parteng 'to. Update ulit sa Wednesday. Vote. Comments. Shares. are Highly Appreciated. HAPPY 10,000 READS! :)]


 

 

                                  Chapter 26 : “Before Anything Else”

~~~~~~~~~~~~~~~~~ *JOHN OLIVER RODRIGUEZ* ~~~~~~~~~~~~~~~~~

                          

                Hindi ko mapigilang mapangiti noong makita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakaharap ako sa kanya at siya ay nakaharap din sa akin habang natutulog. Bahagyang nakabukas ang kanyang bibig at mahina nang naghihilik, samantalang iyong kanang kamay naman niya ay nakapatong o nakayakap sa akin. Mukhang mahimbing na mahimbing na siyang natutulog. Ang cute niyang tingnan.

                Pinagmasdan ko lang siya na wari ba'y kinakabisado ko ang bawat parte ng kanyang mukha—mula sa kanyang noo kung saan may mga hibla ng kanyang buhok ang idinikit doon ng pawis, sa kanyang makakapal na kilay na para bang iginuhit ng isang napakagaling na pintor, sa talukap ng kanyang nakapikit na mga mata at sa mahahaba noong mga pilik, papunta sa kanyang matangos na ilong, hanggang sa mapupula niyang mga labi na bahagyang pinaghiwalay gawa ng kanyang mahinang paghilik—pinagmasdan ko lang iyong mga iyon, lalo na iyong kanyang mga labing minsan nang dumampi sa akin.

                Ewan ko pero para akong na-hipnotismo noong mga labing iyon at namalayan ko na lamang na unti-unti ko na palang inilalapit ang labi ko sa labi niya. Palapit ng palapit pero parang bumagal ang pagkilos ng oras, parang naging malabo ang paligid ko at ang tanging malinaw nalang para sa akin ay ang kanyang napaka-among mukha at ang kanyang mapupulang labi. Ramdam ko rin ang pagkawala ng libo o maaaring milyong paru-paro sa aking sikmura, pati na rin ang mga karpinterong nagpupukpok sa aking dibdib. Pabilis ng pabilis ang ingay ng tibok ng aking puso pero para namang pabagal ng pabagal ang paglapit ng aming nga labi.

                Ilang pulgada nalang ang pagitan namin, ramdam ko na rin ang buga ng kanyang paghinga sa aking pisngi. Napapikit na ako. Malapit na, maitutuloy ko na rin iyong gagawin ko sana sa kanya kanina, gagawin ko sana pero nagawa ko pa ring kontrolin ang aking sarili. Pero ngayon, ngayong wala siyang malay, ngayong tulog siya. Magagawa ko na. Matitikman kong muli ang labi niya sa labi ko. Pero... Hindi ba ako nag-te-take advantage nito? Hindi ko ba pinagsasamantalahan ang kanyang kawalang ulirat para makuha ko ang gusto ko?

                Malapit na, ramdam kong malapit na... Pero tumigil ako at biglang inilayo muli ang mukha ko mula sa kanya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pagsamantalahan ang mahal ko. Nirerespeto ko siya. Ayaw kong gawin ang isang bagay na alam kong hindi naman niya gusto. Ayaw kong gawin ang isang bagay na ako lang ang may gusto.

                Sa paglayo ng aking mukha, agad ko iyong ibinaling sa kabilang parte ng aking kama. Sh*t. Nagtagak-takan ang mga pawis mula sa aking noo at sa gilid ng aking mukha.

                 “Sh*t.” bukang bibig ko. Agad na akong tumayo sa aking kama at nagtungo sa study table ko dito sa aking kwarto. Binuksan ko iyong lampshade na naroroon saka umupo doon.

                Nalingon kong muli si Ethan mula sa kama saka ibinaling muli ang aking tangin sa pader na kaharap ko. “Muntik na iyon ah.” sambit ko sa aking sarili.

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now