CHAPTER 16 : "Piercings, Pictures, and a Stranger"

1.5K 58 3
                                    

[PLEASE LIKE the Official Facebook Page for "It's Not Too Late" for more information, Quotes, and Updates. Just Click the EXTERNAL LINK on the Right-side of this Page for you to be Redirected. Or just search "It's Not Too Late by Nice_PieceOfArt" using your facebook account.

Chapter Dedicated kay @YowenSeries! Dude, Happy Birthday! :)

VOTES and COMMENTS are really appreciated Mates. Thank You! :) ]

_____________________________________

CHAPTER 16

*JOHN OLIVER RODRIGUEZ's Point of View*

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Kinabukasan ay maaga kaming nagsipaggising para maghanda na sa aming pagpunta sa sikat na Puerto Princesa Subterranean River na mas kilala bilang Palawan Underground River.

By 7:30am ay sinundo na kami ng Van na maghahatid sa amin papuntang Sabang Port kasama ang Cute naming Tour Guide na nagpakilalang Hennesy. Babae siya, natural at kasing-edaran lang namin. May kasama pa siyang isa pang babae na mas bata ng kaunti sa kanya, kapatid niya yata, at Tour Guide din namin na nagngangalang Elma. Sa halos 2 oras na byahe namin mula Puerto Princesa hanggang Sabang Port ay nagkwento lang sila ng mga bagay bagay tungkol sa Palawan at sa mga nadadaanan namin. Napaka-informative nila dahil tuwing may nagtatanong sa amin ay nasasagot kaagad nila.

Narating na namin ang napakagandang Sabang Port kung saan may iilang Tourists na rin ang namamasyal. Inasikaso na ng mga Tour Guides naming sina Hennesy at Elma ang aming Underground River Tour at ilang saglit pa ay sumakay na kami sa isang motorized pump-boat papunta sa kinaroroonan ng Underground river. Pinagsuot na kami ng kulay orange na life vest at binigay na rin ang kulay orange ring helmet/ cap na susuotin daw namin mamaya sa loob ng Underground river para raw maiwasan ang matamaan ng mga nahuhulog na mga bato, tubig, o ihi at dumi ng mga ibon at mga paniki.

“Jared kamukha mo oh!” Sigaw ni Kyle noong may nakita kaming malaking bayawak sa daan namin papunta sa entrance ng underground river.

“Ulol mo pre! Iyon,” tinuro niya 'yung mga unggoy sa puno, “kamukha mo oh!” At tumawa si Jared ng kaloko-loko.

“Mas kamukha mo 'yan pare! Turo ka pa eh.” ganti ni Kyle sabay binatukan si Jared. Nagsimula na silang batukan ang isa't isa kaya inawat nalang sila ni Elyse, “Magtigil nga kayo! Para kayong mga bata eh. Mag-aasaran tapos pareho namang pikon!” habang pinaghihiwalay 'yung dalawa. Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa kakulitan nilang dalawa.

Sa daan, nakakawiling tingnan ang paligid dahil malinis at kulay asul talaga 'yung tubig.

Maya-maya pa ay hindi ko namalayang sasakay na pala ulit kami sa isang bangka kung saan papasok na ito para i-tour kami sa loob ng Underground River. Kasama naming anim sa bangka sina Hennesy at Elma, at isang bangkero na nagsilbing tour guide namin sa loob.

Noong nakapasok na 'yung bangka namin sa loob ng cave ay takot ang una mong mararamdaman dahil sa sobrang dilim sa loob at tanging isang malaking flashlight lang ang nagsisilbing ilaw sa aming lahat. Pero habang nagpapatuloy ang tour namin sa loob, 'yung takot na mararamdaman mo ay mapapalitan ng pagkamangha dahil sa ganda ng mga stalagmites at stalagtites, at iba't ibang mga rock formations na makikita mo sa loob. Dagdagan mo pa ng mga informations at talagang nakakatawang mga punch-line ng ingglisero with bisaya accent naming bangkero.

It's Not Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon