CHAPTER 5 : "Janjan at Jayjay"

1.7K 66 29
                                    

~CHAPTER 5 : "Janjan at Jayjay"~


 *JOHN OLIVER RODRIGUEZ *


Nagdaan ang mga araw at linggo ng hindi namin namamalayan dahil sa dami ng mga ginagawa namin sa school. Ako busy kakaaral samantalang busy rin si Ethan sa trainings nila ng basketball sa gym ng school para sa nalalapit nilang basketball tournament. Bibihira na nga kung makapag-usap kami dahil tuwing uwian namin ay diretso na siya sa trainings nila, ako naman diretso na ang uwi.

Ginagabi na rin siyang umuwi kasi after ng practice nila ay hinihintay niya pa na matapos ang klase ni Kate para ihatid 'to pauwi. Tuwing makakatext ko naman siya sa gabi, minsan umaga na nakakapagreply dahil nga daw nakakatulugan na niya ako sa sobrang pagod.

Ngayon nga ay patapos na ang huling klase namin para sa araw na 'to. Gaya ng nakagawian nitong mga nakaraang araw ay uuwi na ako kaagad after nito. Hay... nakakaburyo. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell na hudyat ng uwian. Nagpaalam na 'yung prof namin at lumabas. Ako nama'y nag-ayos na ng gamit ko at lumabas na rin ng room kasabay ng iilan kong blockmates.

'Di pa 'ko tuluyang nakakalayo nang may tumawag sa'kin mula sa likuran.

"Bok!" Nilingon ko siya. Si Ethan. Patakbo siyang lumapit sa'kin habang inaayos pa rin 'yung bag niyang nakasukbit sa kabila niyang balikat. Halatang nagmadali talaga 'to para lang habulin ako.

"Oy bok! Tara lunch tayo!" Pagyaya niya sa'kin habang medyo hinihingal pa gawa ng paghabol sa'kin.

"May practice kayo mamaya 'di ba? Baka ma-late ka pa. Hahanapin ka nu'ng mga ka-team mo." Sabi ko nang may pagtatampo sa tono ng aking boses. Nakakatampo naman talaga siya eh. Masyado na siyang busy, pati ako kinalimutan na ata.

"Wala kaming practice ngayon. Pahinga daw muna sabi ni coach." Sagot niya.

"Eh susunduin mo pa si Kate, mamaya magalit 'yun." Ako.

"Wala rin siyang klase ngayon. Wala silang sched ng ganitong araw kaya malamang nasa bahay nila ngayon 'yun." Siya ulit.

"Basta, uuwi na 'ko. Inaantok pa 'ko." Palusot ko at tinalikuran ko na siya. Pa-Hard-to-Get na ang peg ko nito. Haha. Tumakbo na siya sa harapan ko at pinigilan.

"Teka! Teka nga bok. WAIT!" Tapos itinaas niya 'yung dalawa niyang kamay sa bandang dibdib. Signal na para tumigil ako. Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"Nagtatampo na naman ata ang bok ko ah." Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na ulit, nilagpasan siya. 'Kala ko titigilan na niya 'ko du'n pero syempre si Ethan 'yan, mas makulit pa 'yan sa batang nagpapabili ng kendi. Kaya ang sunod niyang ginawa ay inakbayan ako at sinabayang maglakad.

"Naku nagtatampo nga. Tsk tsk... ito na nga, babawi na 'ko ngayon oh. Alam mo namang MVP 'tong best friend mo kaya talagang busy sa trainings eh. Mukhang kailangan ko na namang manglibre ng pizza mamaya ah." Wala akong sinasabi kung bakit ako nagtatampo pero nalaman niya agad kung bakit. May pagka-psychic ata 'tong taong 'to eh. Madam Auring? Hehe.

Sa sinabi niyang 'yun, may isang salita ang talagang nakapagbago ng mood ko—Pizza. Kahit kailan talaga hindi pumalyang pangitiin ako nitong mokong na 'to.

"Tara na nga bok. Tampururut..." At muli't muli ay ginulo niya ang aking magulo nang buhok.

Nag-commute lang kami papunta sa mall dahil trip niyang sumakay ng jeep ngayon. Ang awkward lang kasi kanina pa tingin nang tingin 'yung apat na babae na nakaupo sa harapan namin. 'Yung mga tingin na parang tutunawin kami tapos bigla silang tatawa't magbubulungan na parang kinikilig na ewan. Nagagwapuhan ata sa'min (* Conceited much?Sensya mahangin na nga dito sa jeep, lalo pa atang humangin. Baka may namumuo nang LPA dito. Low Pressure Area? Hindi... maka-Laglag Panty Ang kagwapuhan. Nye-nye. Korni. HAHAHAHA.) Pero totoo! Marami ng pagkakataong nangyari na 'to sa'min. Minsan pa nga hinihingi pa number namin para daw makipagkilala pero hindi nalang din namin pinapansin.

Pagbaba namin ay hindi nga 'ko nagkamali, isa sa apat na babae kanina ay lumapit sa'min at sinubukang hingiin ang number namin.

"Naku Miss. Pasensya ka na ah. Taken na 'ko eh. Itong Best friend ko nalang, single na single 'to ngayon." Nakangisi niyang sabi at para namang nagliwanag 'yung mukha nu'ng babae nu'ng marinig niyang Single ako. (OA. Nagliwanag talaga?). Siniko ko lang si Ethan sa kabaliwan niya.

"A-ah... hindi na Miss. Pahinga na muna 'to ngayon" Sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso. Disappointed, umalis na siya with her becky-mates. Hehe.

"Sensya, may laman na 'to ngayon eh." Sabi ko sa utak ko nang nakangiti.

"Bok, ano ka ba! Chikas na 'yung lumapit oh! Sayang, maganda pa naman. Huwag masyadong mag-commit sa pagiging single ha?" Sabay tawang sabi ni mokong.

"Ewan ko sa'yo. Mga kalokohan mo. Tara na, gutom na 'ko." Nauna na 'kong pumasok sa mall at iniwan siya para tumigil na siya sa kanyang kalokohan.

Kumain kami sa isang kilalang fastfood chain. Nag-order kami ng lasagna, fried chicken at syempre hindi mawawala ang pinakamamahal naming pizza.

Matapos magpakabusog ay nag-World of Fun (WoF) kami. Sumakay sa rides lalo na sa bump car. Enjoy na enjoy siyang pahabulin ako sa sasakyan niya kaya sa halip na bump car eh race car ang kinalabasan. Tawa nga siya nang tawa pagbaba namin sa sinakyan namin dahil hindi daw ako marunong kaya hindi ko siya mabangga. Marunong ako! Sira lang 'yung manibela kaya ayaw sumunod. Haha.

Sinubukan pa namin 'yung ibang rides at sa huli, napagod din kaming pareho kaya napag-desisyonan naming umuwi nalang din dahil maggagabi na rin naman na.

Sumakay kami ng jeep pauwi, binaba kami sa labas ng village namin since hindi naman papasok ng village namin 'yung ruta ng jeep at dahil hindi rin nagpapapasok ng mga pampasaherong sasakyan dito maliban nalang sa taxi. Habang naglalakad pauwi ay biglang bumuhos ang ulan nang pagkalakas-lakas.

"F*ck! Biglaang ulan, may payong ka bok?" Nagugulantang na sabi ni Ethan. Umiling nalang ako bilang sagot.

"Teka, suot mo 'to." At hinubad na niya 'yung suot suot niyang itim na jacket at pinasuot sa'kin.

"Pa'no ka?" Tanong ko.

"Okay na 'ko dito." Itinaas niya 'yung bag niya.

"Tara bok, takbo!" Ipinang-pandong niya 'yung bag niya at nagtakbuhan na kami. Parang sira 'to. Mas inisip niya pa 'ko kaysa sa sarili niya. Siguradong basa ang mga gamit niyan.

"Bakit nagpaulan kayo? Naku naman 'tong mga batang 'to oh!" Salubong sa'min ni mama. Dito ko na rin muna pinatuloy si Ethan kaysa naman umuwi pa siya, eh tatlong bahay pa ang pagitan ng mga bahay namin.

"Wala po kasi kaming na dalang payong Ma." Sagot ko.

"Oh siya, pumasok na kayo. Magpunas nang maige at magbihis kaagad ha? Mamaya magkasakit kayo niyan." Mahabang bilin sa'min ni Mama.

"Sige na't umakyat na kayo. Jayjay ako na'ng magtetext sa Mama mo na nandito ka na. Baka mag-alala 'yun." Si Mama habang kausap si Ethan.

"Janjan, ikaw na'ng bahala diyan sa best friend mo ha?" Ako naman ngayon ang kausap ni Mama.

"Opo Ma." Ako.

"Salamat po Tita Demi."  Pahabol ni Ethan.

"Walang ano man." Nakangiting sabi ng Mama ko. Ang ganda ng ngiti ni Mama. Halatang halata 'yung sincerity at ang sweet... parang hindi 19 years old ang anak. Hehe.

Ako nga pala si Janjan —- JOHN Oliver Rodriguez

Si Ethan naman si Jayjay —- Ethan JAY Kristoff

'Yan kasi 'yung napag-usapan ni Mama at ni Tita Annalyn na magiging nickname daw naming dalawa ni Ethan. Pangbata pero okay lang. Galing naman sa mga babaeng pinakamahalaga sa'ming dalawa eh, syempre maliban nalang sa mga girlfriends namin.


_________________________________________________________

LIKES/ VOTES, COMMENTS, SHARE and FOLLOW Mates. :)


@saicophilia (formerly @Nice_PieceOfArt)   

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now