CHAPTER 29.1 : "O. Brothers"

1.1K 45 10
                                    

[OTOR: UPDATED VERSION NG CHAPTER NA ITO. Sorry. Ngayon ko lang napansin na may mga Scenes palang hindi tugma kaya medyo binago ko. Lalo na iyong scene noong naglakad-lakad si Oliver at nakita siya ni Onats. Ang gulo noon eh. Napaghalo ko iyong 1st Draft ko sa Final Draft kaya sobrang gulo. PLUS. May idinagdag ako sa conversation nina Oliver at Stephen. Pasensya na po ulit sa kaguluhan. Sabaw na sabaw na kasi utak ko Mates eh. SCHOOL MATTERS. Orgs, Scholarship, plus I’ve been involved sa isang school case kaya ayon. -_- Nasiraan pa ng laptop. Ayan. Enjoy. Updated na rin po iyong CHAPTER 29.2... ;) ]


 

 

                                     Chapter 29.1 : “O. Brothers

~~~~~~~~~~~~~~~~ *JOHN OLIVER RODRIGUEZ* ~~~~~~~~~~~~~~~~

                          

                “Ma, hindi ko nga po siya kilala.”

                “Pero taga-village natin siya ‘di ba? Kawawa naman at malalim daw iyong sugat gawa ng pagkakasaksak sa kanya.”  narinig kong sambit ng isang babae sa hindi kalayuan.

               Nagising ako dahil sa naririnig kong pag-uusap na iyan sa aking paligid. Sinubukan kong imulat ng bahagya ang aking mga mata upang makita kung sino man iyong naririnig kong nag-uusap.

                “Oo nga Ma eh.” sagot ng isang binata.

                “Nako, buti nalang talaga at nailigtas mo siya anak. Mukhang tutuluyan siya noong mga masasamang loob na iyon eh.” Hinawakan noong babae sa balikat iyong binata at napangiti ito ng matamlay. “Sige anak. Lalabas muna ako at bibili ng makakain. Ikaw nama’y magpahinga na. Mukhang wala ka pang tulog kababantay sa kanya eh.” sabi muli noong nanay saka siya nagtungo na sa pinto at lumabas.

                Naiwan na lamang dito sa puting kwarto iyong binatang mukhang kasing edaran ko lang. Umupo siya sa upuang nakapwesto malapit sa kinahihigaan ko, ipinatong iyong dalawa niyang siko sa kanyang tuhod, at nakapatong sa mga kamay niya iyong kanyang mukha habang nakayuko siya.

               Siya yata iyong lumampaso sa dalawang nang-hold-up at nangbugbog sa akin. Nakasuot na siya ngayon ng jersey-sando, hindi gaya kanina na hubad siya dahil sa sinira niya iyong damit niya at ipinangtapal sa dumudugo kong sugat. Sa totoo lang, pamilyar sa akin iyong mukha at boses niya. Kung saan at kalian ko siya nakita, hindi ko na matandaan.

               Lumingon ako sa bintana ng kwarto at napansin kong may liwanag na ng araw sa labas. ‘Umaga na!’

               Sinubukan kong tumayo sa pagkakahiga ko pero nakaramdam ako ng matinding hapdi sa dibdib at sa tiyan ko. Sobrang sakit kaya napa-singhal ako, “A-aww.” impit kong daing na nakuha naman kaagad iyong atensyon noong binata.

                “Ayos ka lang tol?” tanong niya sa akin matapos patakbong lumapit sa kinahihigaan ko. Kita ko iyong pag-aalala sa kanyang mukha.

               “A-ah... Oo. Masakit lang ‘to.” tinuro ko iyong dibdib ko, “At ito.” sunod ko namang turo sa tiyan ko.

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now