CHAPTER 20 : "The Truth behind every Pretences"

1.2K 45 11
                                    

[OTOR: Just wanna say thanks sa mga nagbabasa talaga nitong story na ginagawa ko. Maraming Salamat Mates lalo na sa mga nagbo-VOTE talaga at talagang inaabangan 'to kahit medyo Mainstream at Cliche na 'to.

Special Mention kanila @YowenSeries at @LordApollo18 Salamat mga Bro! Pati na rin pala kay @mystery018 for the comment. Here's Chapter 20. Salamat Mates. Baka Next weekend na ulit ako makapag-update Mates ah. Buhay estudyante sa kolehiyo eh. :D ]

Chapter 20 :  “The Truth behind every Pretences”

*JOHN OLIVER RODRIGUEZ's Point of View*

  ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Anong ibig sabihin nito?” mariing na tanong ni Ethan. Labis kong ikinagulat noong nakita ko kung ano 'yung hawak niya sa kanyang kanang kamay. Nagpabalik-balik lang ang tingin ko kay Ethan at sa papel na hawak niya. 'Yung papel na kanina ko pa hinahanap. Saan niya nakuha iyon? Wala naman iyon kanina dito sa kwarto ah. Hinanap ko iyon sa bawat sulok ng kwartong ito. Sa kama, sa mga gamit namin, sa table, wala iyon kanina. Pero paanong nakita niya iyon? Saan niya nakuha iyon?

Pilit siyang tumawa pero halata pa rin ang pagtatanong sa ekspresyong kanyang ipinakikita, “Joke lang 'to bok 'di ba? Nangti-trip ka na naman?” bahagya siyang lumunok ng laway dahil nakita kong tumaas baba ang kanyang adam's apple. “Bok ano? Sabihin mong joke lang 'to!” sabi niya pa.

Mabilis ang naging tibok ng aking puso. Kinakabahan ako. Hindi ko nalang namalayang iginagalaw ko na pala ang ulo ko ng pabaling-baling sa magkabilang gilid at sinesenyas sa kanya na mali siya. Kagat labi akong yumuko at tumingin lang sa sahig saka sinabing, “T-totoo ang lahat ng nandiyan sa s-sulat.”

“Bok huwag ka namang mang-trip ng ganito oh! Hindi nakakatuwa eh.” pagsusumamo niya gamit ang bahagya na na garalgal niyang boses.

“H-hindi kita pinagti-tripan. Totoo lahat ng laman niyan.” sagot ko. Iniangat ko na ang aking ulo at hinarap siya. Kita ang gulat sa kanyang mukha. Iyong kaninang pilit niyang tawa at ngiti ay napalitan ng paglaki ng mga singkit niyang mata, bahagyang nakabukas na bibig, nakakunot na noo at kilay, at labis na pagtatanong sa kanyang mga mata.

“Bading ka?” walang emosyon niyang tanong sa akin.

Dahil doon ay nanatili lang akong nakatayo na parang tuod sa tapat ng pinto ng aming kwarto at parang naputulan na ng dila dahil sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig ay tanging hangin lang ang lumalabas. Kung pwede lang na bumuka na lamang ang lupa at lamunin ako ay mas gugustuhin ko na lamang iyong mangyari kaysa nakikita ko ang galit at pagtatanong sa kanyang mga mata.

Ikinuyom niya 'yung kamay niyang may hawak na papel at tumayo na mula sa kama. “Ano?! Sumagot ka!” sigaw ni Ethan matapos niyang ihagis sa pader ang kanyang cellphone na ngayon ay nagkahiwa-hiwalay na ang mga parte at basag na ang screen.

“E-Ethan... A-ano kasi...” sinimulan ko ng magsalita pero natigilan ako dahil nag-iinit na ang aking mukha, nangingilid na rin ang aking mga mata at maya-maya pa ay hindi ko nalang namalayang tumatagos na ang aking mga luha.

“ANO?! P*tang Ina! Sumagot ka!” sigaw niya pa. Lumapit siya sa akin at kinuwelyohan ako, “Bakla ka?” tanong niyang muli sa akin. Magkalapit na ang aming mga mukha at katawan. Ramdam ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa mabilis niyang paghinga. Inilingon ko sa gilid ang mukha ko dahil hindi ko kayang makita ng malapitan ang mga mata niyang parang naglilihab dahil sa galit.

It's Not Too LateOnde histórias criam vida. Descubra agora