CHAPTER 33.1 : "My Love is Like a Star"

1K 56 25
                                    

[OTOR: My Favorite Chapter is up ahead. This is a very LOOONG Chapter. Hang-on. This is the beginning of the end. There ARE SONGS sa Chapter na ito. Please try to understand the meaning of the Songs because they are related to the story. :)

VOTES | COMMENTS | SHARES]


 

 

                               Chapter 33.1 : “My Love Is Like A Star

~~~~~~~~~~~~~~~~~~ *ETHAN JAY KRISTOFF* ~~~~~~~~~~~~~~~~~~

                          

                “Akala ko hindi ka na pupunta eh.”

                “Asa ka namang isusuko ko nalang ng ganoon ganoon si Oliver.”

                “O siya! Dami pang satsat, pasok!” binuksan ko iyong gate ng court dito sa village at nauna na akong pumasok habang idini-dribble ko iyong bolang hawak ko. Rinig ko namang isinara niya iyong gate at kasunod kong naglalakad.

                Nandito kami ngayon sa court ng village kung saan ko dati tinuruang mag-basketball si bok. Dito rin kaming dalawa noon naglaro, dito niya ako pinasaya noong mga panahong lugmok ako sa kalungkutang idinulot ng pakikipaghiwalay sa akin ni Kate. At dito, dito rin sa lugar na ito ko ilalampaso itong hampas-lupang ito. Dito ko itatatak sa kukote ng isang ito na dapat na niyang tigilan si bok, dahil ang akin ay akin lang.

                “Tulala ka yata? Pinag-iisipan mo na bang umatras nalang dahil alam mong matatalo lang kita?” sagot ng kupal sa harapan ko habang naghuhubad ng polo na uniform nila sa coffee shop nila Kyle.

                “Ulol. Iniisip ko lang kung paano kang magmamakaawa sa akin mamaya na huwag nalang layuan iyong BOK KO matapos kitang talunin.” pangbabara ko sa kanya habang nilagyan ko naman ng matinding diin ang pagkakasabi ko ng BOK KO.

                Napatawa siya, “Lawak ng imagination mo tol.”

                Talaga. I'll take that as a compliment. at nginitian ko siya ng wagas na nakapangloloko habang piniiikot sa hintuturo ko iyong bola, “Heads-up!” sabay chest-pass ko ng bola na may malakas na impact.

                Nasalo niya iyon at ipinasang muli sa akin. “We'll play for as long as both of us can.” sambit ko habang idini-dribble ko iyong bola, “The first one to give-up will lose and will have to follow the winner's condition.” kinuha ko iyong bola at hinawakan ko iyon gamit ang dalawa kong kamay saka ko siya tiningnan na may determinasyon sa aking mga mata, “My condition is... when you lose, you will have to keep your distance away from him. Lalayo ka in any ways possible. Kung kinakailangang lumipat ka ng bahay gawin mo. Change your number or even change your identity para hindi ka na niya mahanap. And you will have to promise that you will never talk to him, text him, or send him any messages, video, audio, email, DM, tweets, or any-f*cking-thing na magko-connect sa inyong dalawa. That's it.” mahaba kong sambit sa kanya. Ha! Kailangan niyang sundin iyan dahil uupakan ko talaga siya kung nagkataon.

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now