It's Not Too Late: EPILOGUE

1.1K 36 47
                                    

I'll be Expecting COMMENTS after this. PLEASE Leave a Comment. Let me Hear you mates.


It's Not Too Late...

 

 

                                                                EPILOGUE

                                            VOTES | COMMENTS | SHARE!

                                                ~ Present (September 27, 2017)~

                                "Mr. Kyle Alonzo!"tawag noong lalaki sa akin.

                Naglakad na kami ni Rhys palapit at kasama naming naglakad iyong lalaki na gumabay sa amin patungo sa isang kwarto. Matinding kumakabog ang aking dibdib na para bang isang malaking pader dahil pinipilit na ginigiba, pinagpapawisan din ako ng malamig at malapot, habol hininga, lahat iyan ay dahil sa kabang aking nararamdaman. Mahigit dalawang taon ko ring sinubukang iwasan ito pero ngayon... handa na ako.

                 "Bae,"ipinulupot ni Rhys iyong braso niya sa braso ko,"handa ka na ba?"tanong niya na tinanguan ko lang bilang pagsang-ayon.

                 "Ikaw bae? Ayos lang ba talaga sa iyo 'tong gagawin natin?"tanong ko sa garalgal na boses. Binabaybay pa rin naman ang kahabaan nitong puting corridor kung saan ko haharapin ang aking kinatatakutan sa dulo nito.

                 "Oo bae. Kailangan nating gawin 'to. Kailangan nating makita siya."sagot ni Rhys na may ngiti sa kanyang mga labi. Hinawakan niya iyong nanginginig kong kamay kaya medyo kumalma na ako.

                Maya-maya pa ay tumigil na kami sa isang kwarto kung saan may nakapaskil na pangalan sa pinto noon, 'BRIANA CORTEZ'. At pumasok na kami doon sa loob ng silid kasama noong lalaki.

                Sa loob ay nakaupo si Bree sa isang upuan na parang matamlay at may iniisip. "B-Bree?"tawag ko kaya napalingon siyang agad sa akin. Kita sa mga mata niya ang gulat, pananabik, at iba pang emosyong hindi ko mawari kung ano.

                 "Kyle? Kyle! Baby you're back! "sinubukan niyang lumapit sa akin pero naharang siya ng isang malaking salamin na namagitan sa amin."Kyle! Please get in here. Baby, I'm all alone. Kami lang ng baby natin ang nandito. Hindi ka ba naaawa sa amin? Please Kyle!"pagmamakaawa niya habang nakaluhod sa harap ko, sa sarap ng salamin.

                 "Bae, siya na ba iyon?"tanong ni Rhys sa akin.

                Tumango-tango ako sa kanya,"O-oo bae. S-siya si Bree. Iyong kinukwento ko sa iyong may n-namagitan sa amin dati." sagot ko na nakatitig pa rin sa nagsusumamong si Bree.

                Naikwento ko naman na kay Rhys ang lahat dati matapos kaming ikasal. Nasampal niya ako noon, pinalayas sa bahay namin dahil bakit ko raw hinayaang mamatay iyong bata. Pinaliwanag kong hindi ko anak iyon kaya wala akong dapat na panagutan. Pero dipensa niya, kahit na, bata pa rin iyon. At least man lang daw ay inalalayan ko si Bree hanggang sa manganak ito. It took us 3 weeks bago muling magkaayos noon. Natanggap na niya kung anong nangyari at sabi niya na naiintindihan naman niya ang lahat. And after all these times, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na haraping muli si Bree dito sa kinalalagyan niya ngayon.

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now