PROLOGUE

4K 107 68
                                    

~PROLOGUE~


Pasado alas-tres na nu'ng makarating ako sa gate nitong lugar na paulit ulit ko ng pinupuntahan sa loob ng mahigit na dalawang taon.

Tumingin tingin ako sa paligid at napansin ko na kakaunti ang mga tao dito ngayon, dahil siguro sa Lunes, unang araw ng linggo at karamihan ay abala sa kanya-kanyang mga pasok sa eskwela o sa trabaho.

Hindi mainit dahil natatakpan ng mga puting ulap ang araw na nasa asul na kalangitan, at napaka-maaliwalas sa pakiramdam ng hangin. Hay...masyadong malungkot ang lugar na 'to para sa'kin. Lugar na naging saksi sa iyakan at pighati ng maraming tao; lugar na madalas kong pinupuntahan lalo na tuwing masaya ako o tuwing kailangan ko ng karamay. Lugar na hindi ko pinagsasawaang puntahan dahil nandirito "Siya".

Nagsimula na ulit akong maglakad at binaybay ang daan patungo sa kinaroroonan "Niya" at matapos siguro ang mahigit na sampung minuto ay narating ko na rin kung nasaan "Siya".

"Hey! Happy Birthday!" Unang mga salitang namutawi sa mga labi ko. At mula doon ay may mga nagbabadya na namang tumulong mga luha mula sa mga mata ko. $h*t lang! Sabi ko hindi ako iiyak, sabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa harap niya para hindi siya mag-alala sa'kin... pero ito ako, pinagtataksilan na naman ng traydor kong mga luha na gusto na namang kumawala mula sa'king mga mata.

Inilapag ko muna 'yung dala kong bouquet ng roses at isang box ng paborito naming Pizza sabay umupo sa may damuhan na malapit sa puntod "niya". Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy...

"Mahigit dalawang taon na pala simula noong iniwan mo kami... ako! Alam mo bang miss na miss na kita." Malungkot kong sabi habang tuluyan nang tumutulo ang mga luha.

"Two weeks nalang pala ga-graduate na 'ko. Sabay sana nating aabutin 'yung mga pangarap natin, promise mo 'yun 'di ba? Kaso... wala ka na. Ang dami ng nangyari, marami na ring nagbago pero kahit na minsan, kahit kaunti hindi ito nagbago." Sabay turo ko sa kaliwa kong dibdib... ang parte ng katawan ko kung saan nakatapat ang aking puso.

"Sorry Bok."


Kasalanan ko ang lahat. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nangyari 'yung mga iyon sa'yo... kung bakit nangyari 'yung mga iyon sa atin. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon 'yung mga panahon na magkasama at masayang masaya tayo. Pero nagmistulang alaala nalang sila ngayon. Mga alaalang sobrang sarap balikan at hinding hindi ko na malilimutan dahil nakatatak na 'yung mga iyon sa puso ko.


@saicophilia (formerly @Nice_PieceOfArt)   

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now