CHAPTER 40.1 : "Is It All Too Late?"

748 35 7
                                    

[Last Chapter. And. I. Am. Crying. Now. *emotionally breaks-down* But I'll have a couple of BIG Announcements at the end of this Chapter.... Sooo.... Please check it out. And since this will be the LAST chapter for this Story, don't forget to VOTE and Leave some COMMENTS at the Comment Section be-low.

I HAD TO CUT THE CHAPTER kasi masyadong mahaba. You might find it boring because it's 28 pages sa Microsoft Word.

And Sorry ngayon lang nakapag-Update. My heart got broken again. Nonetheless, worth it lahat para sa kanya.



To You... You are loved. And will always be loved. Endlessly.]




Chapter 40.1 : "Is It All Too Late?"

VOTES | COMMENTS | SHARE!

~ SEPTEMBER, 2015 (6 MONTHS LATER) ~


~~~~~~~~~~~~~~~~ *JOHN OLIVER RODRIGUEZ* ~~~~~~~~~~~~~~~~


"Kimpoy!" tawag sa akin ng isang lalaki sabay bato ng kinumos na mga papel. Pinigilan ko iyong sarili ko sa paglingon dahil alam ko kung sino siya... sila. "Hoy kimpoy! Ano? Kimpi na naman ba iyang buhok mo? Inayusin ka na naman ba ng Mama mo para magmukha kang makaluma?"sabi niya saka sila tumawa ng malakas. Hindi ko nalang sila pinansin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa corridors ng elementary school namin.

"Si Kimpoy ay Mama's Boy! Si Kimpoy ay Mama's Boy!"paulit ulit nilang tukso sa akin habang nakasunod pa rin sila. Sa totoo niyan ay naiinis na ako na naiiyak. Masakit ang tuksuhin ka ng mga kamag-aral mo lalo pa't wala ka namang ginawang masama sa kanila. Maya-maya pa ay may isa sa kanila ang tumulak sa akin sa likod kaya muntik na akong matapilok, mabuti nalang at nabawi ko kaagad ang aking balanse.

Kasunod noon ay may tumulak sa batang tumulak sa akin saka siya sinipa sa sikmura. "Mga sira ulo kayo ah. Sa dinami-rami ng estudyante dito, iyong bestfriend ko pa talaga ang kakantiin ninyo!" sigaw ni bok bago siya lumapit sa akin.

"Oh! Nandiyan na pala si Knight-In-Shining-Armor ni Kimpoy eh. Ang kanyang boyfriend. Ay mali, bestfriend pala." sabi noong pinaka-bully sa kanila bago sila nagtawanan. "Tara na nga. Baka magwala pa si boyfriend." sabi ng isa sa kanila bago sila nagsi-alisan.

"Ayos ka lang ba bok?" nag-aalala niyang tanong.

"Oo naman. Dapat hindi mo na pinatulan. 'Di ko na nga pinapansin eh." sagot ko sa kanya.

"Alam ko naman iyon eh. Sa totoo niyan kanina ko pa naririnig na tinutukso ka nila. Ang ayaw ko lang talaga ay iyong tinulak ka noong g*gong iyon. Ayaw kong may mananakit sa iyo. G*go siya. Baka gusto niyang masira ko mukha niya." nagngangalit niyang sabi. "Huwag niya sabihing mas malaki siya sa akin. Pare-pareho lang tayong Grade 6 kaya kaya ko siyang patumbahin. Basta bok. Ang ayaw ko lang ay iyong may nananakit sa iyo. Para saan pa ako kung hahayaan ko lang din namang mangyari iyon? 'Di ba?"

Nagbuntong hininga ako saka ko siya inakbayan. "Oo na bok. Salamat." sagot ko. Nangiti lang siya bago niya guluhin iyong kimpi kong buhok. "Huwag na kasing ganyan ang hairstyle ah. 'Di naman kasi talaga bagay sa iyo."

Tuwing naaalala ko iyang eksenang iyan sa buhay namin, hindi ko nalang mapigilan ko na mapangiti dahil sa pagpo-protekta niya sa akin. Lagi niyang sinasabing ako raw ang Superman niya dahil napakagaling ko raw sa mga bagay bagay, matalino raw ako, mabait at gwapo. Pero kung titingnan sa kung ano mang anggulo, siya angtotoong Superman sa aming dalawa. Siya ang Superman ng buhay ko dahil lagi niya akong ipinagtatanggol sa mga bagay na maaaring makapanakit sa akin, siya ang dahilan kung bakit ko pinilit na magpagaling sa Leukemia ko. Siya ang dahilan kung bakit ako masayang masaya ngayon.

It's Not Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon