CHAPTER 23 : "Deafening Emotions"

1.3K 47 4
                                    

[OTOR:  Hey Mates! Yeah... Sobrang pasensya na at ngayon lang nakapag-update ah. Nakipag-date pa ako with my Dad and my siblings kanina eh. Once a year lang namin gawin kasi O.F.W. Dad ko tapos magkaka-iba pa kami ng Nanay ng mga kapatid ko. Saya 'di ba?

Any ways, Chapter dedicated to one of my friends na sobrang sayang kausap kagabi. @MarkBarquin from Aussie. :D Mabuhay ka bro! Maraming Salamat sa paghihintay mo sa Update ko. :D

WARNING: Chapter contains some scenes NOT suitable for young readers. Para sa akin, Mature content na iyon kahit hindi naman extreme ang mga nangyari.

Another Warning, Huwag niyo ako papatayin after this Chapter ah. Hahaha. Kung bakit, read for yourself. ENJOY!]

 

Chapter 23 :  “Deafening Emotions”

 

*KYLE JERWIN ALONZO's Point of View*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Hey!  You wanna be more than just friends. I can't go through this again. Stop trying get inside my head…” pagsabay ni Bree sa kantang kasalukuyang tumutugtog ngayon sa kanyang iPod.

Nakita kong nagsalin siya ng wine sa dalawang wineglasses, habang kanyang isinasabay ang paggalaw ng katawan sa kumpas at ritmo ng kanta.

“Don't wanna do more than hookup. It's getting stupid cause I shoulda known but I forgot.” Iniabot niya iyong isang wineglass sa akin sabay lumusong na sa tabi ko sa pool.

“That you think we're something that we're not.” Something That We’re Not ni Demi Lovato ang kasalukuyang kanyang kinakanta, habang nagsasayaw pa rin at walang tigil ang paggiling ng kanyang balakang. Bahagya siyang nakatalikod sa akin pero magkadikit pa rin ang aming basang mga katawan.

Nandito kaming dalawa ngayon sa pool ng bahay namin. Dito kami dumiretso kanina mula sa Fashion show kung saan isa siya sa mga nagagandahang modelong rumampa sa stage. Nakakatuwa pa niyan ay siya ang pang-finale o ang pinaka-napili sa kanilang mga modelo upang i-model 'yung pinaka-espesyal na damit noong gabing iyon. Gabi na iyon natapos kaya napag-desisyonan na lamang namin na dito dumiretso sa bahay namin upang gugulin ang buong araw nang magkasama, at para na rin mag-celebrate sa matagumpay niyang fashion show.

Ilang araw na ring ganito ang samahan namin ni Bree, lagi kaming magkasama, sa mga fashion shows niya, sa mall, sa condo niya, at of course, hindi mawawala doon ang make-out sessions namin. Ang manyak ko lang. Pero sa kanya ko lang naman nailalabas itong parteng ito ng aking pagkatao eh. Napaka-subtle ko kasing tao. Tapos she brought out the manly hormones in me. Grabe lang talaga.

Pagdating namin kanina ay nagpaluto ako kaagad sa katulong namin ng mga makakain namin ni Bree, naglabas ako ng dalawang bote ng wine sa aming ref, at agad kaming nagtungo dito sa pool area ng mansyon ng aming pamilya upang mag-swimming at magsaya.

Biglang humarap sa akin si Bree at ako ay niyakap—nakapulupot ang dalawa niyang mga braso mula sa aking leeg papunta sa aking ulo, habang nakasabunot ang kanyang mga kamay sa aking buhok—saka bumulong sa akin with her sexiest voice na talagang nagdulot ng kilabot at ngiti sa aking mga labi... “Baby, do you want to see me Walk again?” humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin, “Hmm?” tanong niya pa while biting her lower lip, at nagtataas-baba ang kanyang mga kilay. F*ck this... Ang sexy niya. Nakabubulag na kagandahan. Hehe.

It's Not Too Lateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن