CHAPTER 37.1 : "The First and the Last"

1.1K 40 16
                                    

[OTOR:  NAGMAMAKAAWA NA PO AKO. Please Like my Official Facebook Page.

facebook.com/Nice.PieceOfArt

Or CLICK the EXTERNAL LINK ----->

Nai-post ko na po diyan iyong Pictures ng Cast ng ating mga Bida. :)

Another thing, TWENTY YEARS OLD na po pala ang mga bida natin dito. Nakalimutan kong banggitin. Pareho silang nag-birthday doon sa 6 Month-separation nilang dalawa. Hindi lang talaga nila na-Celebrate dahil hindi naman worth-celebrating dahil sa magkahiwalay sila at marami silang pinagdadaanan.

August 02 ang birthday ni Ethan. Samantalang September 27 naman si Oliver. ^_^

CORNY Chapter ahead... just a heads-up... HAPPY NEW YEAR MATES!

VOTES | COMMENTS | SHARES]


 

 

                                Chapter 37.1 : “The First and the Last

~~~~~~~~~~~~~~~~~~ *KYLE JERWIN ALONZO* ~~~~~~~~~~~~~~~~~                          

                Maaga akong umalis ng bahay upang kahit papaano ay makalayo ako kay Bree at sa mga hinaing niyang hindi ko na nagugustuhan. Nitong mga nakaraang araw kasi ay sina-suggest na niya sa parents namin na ipakasal na raw kami sa lalong madaling panahon, kahit hindi pa raw siya nanganganak.

                Ang problema pa noon ay para namang nagugustuhan na ni Mommy iyong ideya na pakasalan ko si Bree dahil medyo close na silang dalawa. May pagka-plastic din kasi ang ugali ni Briana. Kapag kaharap ako, puro reklamo at pagkamaldita ang isinisiwalat, pero kapag kaharap ng parents ko, kulang nalang ay maging santo siya sa kabaitang ipinakikita niya. Halatang nagpapalakas kanila Mommy at Daddy.

                And unfortunately, mukhang nakukuha na nga niya iyong loob ni Mom. Buti pa si Daddy, pinaninindigan niya pa rin iyong sinabi niya na gusto niya ng proof na anak ko nga talaga iyong nasa sinapupunan ni Bree. And that will leave her no other choice kung hindi ang hintaying manganak siya, bago kami magpakasal—kung anak ko nga talaga iyong dinadala niya.

                At dahil kinailangan ako dito sa coffee shop namin ng mga pinsan ko dahil walang available na magma-manage ngayong araw, kaya minabuti kong dito nalang muna mamalagi.

                 “Boss uuna na po ako.” pagpapaalam sa akin ni Stephen noong dumaan siya at dumungaw sa pinto ng opisina ko.

                 “Pre, huwag mo na akong tawaging boss. Ang kulit. Ilang buwan ka nang nagta-trabaho dito pero ganyan pa rin ang tawag mo sa akin. Kyle nalang. Tropa naman tayo eh.” panenermon ko sa kanya kaya napakamot nalang siya sa likod ng kanyang ulo.

                 “Sige tol... kung iyan ang gusto mo. Pero sige, uuna na rin ako Kyle ah.” sagot niya.

                 “Teka Stephen!” pagpigil ko bago pa siya lubusang makalabas ng opisina ko. “Dadalaw ka ba kanila Pareng Janjan?”

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now