Special Chapter #3 : "Intimate"

704 34 22
                                    

[READ THE TITLE. HAHAHAHA. <3 Alam na This.

Dedicated kay YDOnodera na Forte ang ganitong kwentuhan at nagtsagang i-check at tulungan ako sa kabanatang ito. HAHAHA. Shet. Hindi ko talaga kayang isulat 'to pero mukhang kailangan dahil may ibig akong mapagtanto ng nakararami. Kaya YDO, kaibigan, salamat! HAHAHA. 

NOTE: Scene happened sa Chapter 38. Iyong nag-inuman sina Jared, Kyle at Stephen.

MEDYO S.P.G. Scene. Read AT YOUR OWN RISK.]



                                      Special Chapter #3 : "Intimate"

~~~~~~~~~~~~~~~~ *JOHN OLIVER RODRIGUEZ* ~~~~~~~~~~~~~~~~

                "Mahal ko, gising ka na. Uuwi na tayo para makapagpahinga ka doon ng maayos." narinig kong bulong sa akin ng mahal ko. Ramdam ko iyong hininga niya sa aking leeg na nagbigay sa akin ng libo-libong boltahe sa buo kong katawan.

                 "Bok inaantok pa 'ko." walang gana kong sagot. Pero ang totoo niyan ay gising naman na talaga ako.

                 "Tayo ka na diyan. Sige, ipapasan nalang kita pabalik sa bahay." sabi niya na ikinatuwa ko dahil nasunod ang aking plano kaya ako nagkukunwaring tulog.

                 Tumayo na ako saka sumampa sa likod niya. Nami-miss ko na kasing ginagawa niya sa akin ito eh. Noong mga bata pa kami, lagi niyang ginagawa 'to tuwing matatapos kaming maglaro sa playground ng village namin at halata niya iyong pagod sa mga mata ko, agad na niya akong pinapasan noon kahit pa may pagkamabigat ako.

                 Pasan pasan ako, nagsimula na siyang maglakad upang maihatid ako sa bahay. Ramdam ko iyong init ng likod niya sa dibdib ko. Amoy na amoy ko iyong pinaghalong pabango at pawis niyang lalaking lalaki pero mabango. Mas hinigpitan ko pa iyong pagkakayakap ko sa kanya, kaya siguro naramdaman niyang baka gising ako.

                  "Mahal, alam mo," pagsasalita niya. Rinig ko iyong vibration ng boses niya mula sa kanyang likod dahil nakatapat doon ang aking tainga. "masaya ako ngayong araw na nakasama kita. Actually, masaya talaga ako araw araw dahil kasama kita. Pero iba ngayon, dahil nakikita kong malaki na ang na-recover ng katawan mo mula sa sakit mo." tumikhim siyang saglit bago nagpatuloy, "Ikaw ba mahal ko, may masakit ka pa bang nararamdaman?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Gusto kong ipagpatuloy iyong pagtutulug-tulugan ko sa likod niya. Gusto kong ramdamin iyong init ng katawan niya.

                 Nagbuntong hininga siya saka sinabing, "Halatang pagod na pagod ka mahal ko." sabi niya na bahagyang nakagilid ang ulo upang kahit papaano siguro ay maaninag ako mula sa balikat niya, "Magpahinga ka na muna diyan, at babantayan lang kita. I Love you." dagdag niya pa.

                 Habang naglalakad siya ay mahina niyang kinakanta iyong Nightingale ni Demi Lovato. Hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa bahay nila Jared. Diretso niya akong dinala sa kwarto naming lima at mula doon ay marahan niya akong inilapag sa kama dahil sa pagkakaalam niyang tulog ako. "Mahal ang bigat mo na ulit." natatawa niyang turan sa akin. "Pero okay na ring malaman kong mabigat ka nang muli, na ang ibig sabihin ay gumagaling ka na ngang tuluyan." pagkausap niya pa rin sa akin pero hindi ko siya sinagot.

It's Not Too LateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant