CHAPTER 9 : "Out Of My League"

1.4K 60 7
                                    

~CHAPTER 9 : "Out Of My League"~


* ETHAN JAY KRISTOFF *


Maaga kong pinadaan kanina sa bahay si Bok para gisingin ako ng sobrang aga. Kahit inaatok pa ay pinilit kong bumangon dahil kailangan at dahil excited na 'ko sa mga mangyayari mamaya.

"Bok ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive. Kanina ko pa kasi napapansing matamlay siya. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan papuntang school.

"Ayos lang. Inaantok lang. Pinuyat mo kagabi eh." Siya. Huwag green ha? Haha. Baka kung anong isipin niyo na 'Pinuyat' ko siya kagabi. Hahaha. Magdamag kasi kaming magka-usap sa cellphone. Gets?

"Hehe. Pasensya na ah. Alam mo naming excited lang." Nakangiti kong tugon na palingon-lingon pa rin sa direksyon niya para matingnan ang magiging reaksyon ng inaantok niya pang mukha.

"Oo nga eh, 'di masyadong halata. Halos alas-tres na ng madaling araw mo 'ko pinatulog." Nagsusungit na naman ang best friend ko, pero maya-maya lang okay na ulit 'yan.

"Pasensya na talaga bok, hayaan mo babawi ako. Ganito nalang. 'Pag may natipuhan ka ulit na chiks sabihin mo lang sa'kin. Ako maglalakad para sa'yo." Alam ko kasing torpe 'yang si bok kaya 'pag may babaeng nagugustuhan ay hanggang pasulyap-sulyap nalang siya kasi nahihiya. Tingnan niyo simula noon nakaka-dalawang girlfriends palang. At simula noong nagbreak sila nang last na naging girlfriend niya, hanggang ngayon wala pa ulit siyang nagiging girlfriend.

"Huwag na!" Aba! Parang nagalit pa sa alok ko kaya lalong naglukot ang mukha.

"Hahaha. Huwag kang mag-alala, ilalakad ko. 'Di ko aagawin sa'yo. Ito naman! At saka may Kate na 'ko noh!" Pagmamalaki ko.

"Hindi! Mukhang wala na..." Malungkot na sagot niya.

"Ha? Anong wala na?" Naguluhan naman ako sa sagot niyang 'yun. 'Wala na? As in wala na siyang nagugustuhan? O 'wala na, na wala na siyang pag-asa sa nagugustuhan niya?

"Wala! Kalimutan mo nalang." Nag-flash siya ng pilit na ngiti. Medyo iniwas na niya 'yung tingin niya at lumingon nalang sa bintana ng sasakyan ko.

"Okay bok, basta sabihan mo lang ako. Ako nang bahala... Teka bok, Okay na ba 'yung napag-usapan natin?"

"Oo bok, naayos ko na lahat." Sagot niya.

"Salamat bok! Maaasahan ka talaga"

Dumating na kami sa school at mula du'n ay naghiwalay na kaming dalawa, siya diretso sa klase at dahil excuse na ako sa lahat ng klase namin ngayong araw kaya dumiretso na 'ko sa gym. Pagdating ko nandoon na agad si coach at ibang members ng team. Nag-warm up kami at paspasan na ang naging training, though light-training lang para hindi mapagod at mai-reserve ang energy para mamaya sa game. Tinext ko si bok nu'ng nagwater break kami, asking him ulit kung okay na ba lahat? Ang kulit ko lang noh? Haha.

Nagdaan ang mga oras at ito na. Game na. Hiyawan ang maraming tao, kanya kanyang cheer dahil may mga estudyante rin na nanunuod na galing sa opposing university para suportahan din 'yung team nila. Nakita ko na ring dumating si Kate kasama ni Bok. Astig! Hihintayin ko nalang na matapos at ipanalo 'tong game.

Natapos ang 4 quarters na tambak 'yung kalaban. Last 10 seconds nalang at nasa'kin ang bola. Kita ko kung paano bantayan ng mga kalaban 'yung mga ka-team ko, mukhang mahihirapan akong ipasa ang bola. No choice. Kailangang mag-3 point shot. Sayang pa ang madadagdag sa score namin. Bago ko i-shoot, tiningnan ko muna si Kate na nakatingin din sa'kin. Tiningnan ko siya na parang sinasabing sa kanya ko inaalay ang magiging puntos sa pag-shoot noong bola at ibinulong ko sa kanya 'yung mga salitang hindi ako magsasawang sabihin sa kanya...

"I Love You."

At gaya ng ginawa ko kahapon sa training, Aim... Breathe... then Shoot! Inihagis ko sa ere ang bola at na-shoot naman 'to.

"KYAAAAAAH!" Naghiyawan ang mga tao sa loob ng gym. Panalo kami! Nagtatatalon kami sa sobrang tuwa. Nakipag-kamay din kami sa opposing team sign ng good sportsmanship. After nu'n, nakita ko nang bumaba si Kate kasama ni bok. Sigurado akong ako ang tungo nu'ng dalawa. Nu'ng nasa baba na sila't naglalakad papalapit sa'kin, biglang namatay ang ilaw sa buong gym.

"Simula na ng plano ko." Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti.

 _____________________________________

*THIRD PERSON's Point of View*

Sa gitna ng dilim sa buong gym ay may biglang may tumugtog ng Piano...

Biglang may nagbukas na spotlight na nakatutok kay Kate. Maya-maya pa'y isang spotlight muli ang nagbukas para kay Ethan na nakatayo sa tabi ng Piano. Si Jared ang tumutugtog ng Piano habang si Kyle naman ay may hawak na Violin, 'yan ang kanina pa nilang pinagtatalunan, ang chords ng kantang kasalukuyan nilang tinutugtog para sa nobya ng kaibigan. Si Ethan naman ay may hawak na mikropono at sinimulan na ang pagkanta ng 'Out of My League' ni Stephen Speaks. Binalot ng napaka-lamig niyang boses ang buong gym ng university nila.

Maya-maya pa'y may mga taong isa-isang lumapit kay Kate isa-isang ibinigay sa kanya ang kanilang mga dalang pulang rosas.

Isa...

dalawa...

tatlo...

Mga kaklase ni Kate at iilang malalapit na kaibigan na naging saksi sa kanilang pag-iibigan ni Ethan. Bakas sa mukha ni Kate ang pagkagulat at saya sa ginawa ng nobyo. Hanggang sa dumating na ang ika-labinwalong rosas na dala-dala ni Ethan.

Bakit? Debut ba ni Kate? Baka isa sa mga tanong na kasalukuyang namumuo sa inyong mga isipan, pero Hindi. Nagkataon kasing ngayon din ang ika-labinwalong (18th) Monthsary nila Kate kasabay ng game nila Ethan kaya naisip niya 'tong planong 'to. Ito 'yung planong pinag-usapan nila ni Oliver, pati na rin nu'ng coach niya.

Unang pagkakataong ginawa 'to ni Ethan para sa isang babae. Kahit na Korni o Baduy para sa iilan pero ginawa niya pa rin dahil ganu'n niya kamahal si Kate.

Sa kabilang parte ng gym ay may malaking banner na nakalagay ang 'Happy 18th Monthsary Hon'. Ilang sandali pa'y biglang may mga suminding ilaw mula sa mga taong nasa benches ng gym. Mga ilaw na nag-form ng tatlong salita mula kay Ethan para kay Kate. Mga pulang ilaw na nagsasabi ng 'I Love You'.

♫  "Yes she's all that I see and she's all that I need. ♫

♫ And I'm out of my league once again..."♫

"Happy Monthsary hon!" Pagtatapos ni Ethan sa kanta habang hawak-hawak ang kanang kamay ng nobya. Nangiti lang siya ng todo matapos siyang yakapin ni Kate.

"KISS!" Sigawan ng mga taong nakapaligid sa kanila sa gym. Mga taong naging saksi sa panghaharana at surpresa ni Ethan kay Kate. At dahil du'n ay hinawakan ni Ethan si Kate sa magkabilang pisngi, ihinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga, siya'y ngumiti at siniil ito ng halik sa kanyang labi... halik na ikinahiyaw ng maraming tao doon.

Habang ang lahat ay nagsasaya dahil sa mga natungyahan, may isang tao naman ang lubusang nasasaktan sa isang sulok, nasasaktan dahil sa mga nangyayari. Ang taong nag-organisa ng halos lahat ng pakulo at sorpresang iyon ni Ethan para kay Kate. Sa umpisa palang ay alam na niyang masasaktan siya sa gagawin niya pero mas nanaig pa rin ang kagustuhang makitang masaya ang taong kanyang minamahal. Dahil doon ay tuluyan na siyang lumisan sa lugar na iyon, unti-unti siyang lumabas sa gym na hindi namamalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman.

Pagkauwing pagkauwi ay dumiretso siya sa kanyang kwarto, nagkulong at magdamag na nagmukmok dahil sa sakit na idinulot ng bawal na pag-ibig niya para sa kanyang matalik na kaibigan... sa isang lalaki na alam niyang kahit kaila'y hindi mapapasa-kanya.


1K Reads. 03262014.


@saicophilia (formerly @Nice_PieceOfArt)   

It's Not Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon