CHAPTER 14 : "Huwag Kang Matakot"

1.5K 50 9
                                    

~CHAPTER 14 : "Huwag Kang Matakot"~


*THIRD PERSON's Point Of View*


Naglalakad lang siya ng pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto, hawak-hawak ang telepono na nakatapat sa kanyang tainga. Hindi mapalagay si Ethan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ang kanyang tawag. Naupo siya sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa niya dito sa kwarto at doon lang may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"  Sagot ng dalaga sa kabilang linya, habang sa kabila naman ay mabuting nakikinig si Ethan.

"H-hello?" Tanong ni Kate sa kabilang linya. Nanatiling tahimik lang si Ethan na nakaupo. Marinig palang ang boses ng dalaga ay hindi na niya mapigilang mapangiti.

Mahigit tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula noong nakipaghiwalay ang dalaga sa kanya, matapos 'yun ay hindi na sila muling nakapag-usap pa. Madalang na rin kung makita ni Ethan si Kate sa school, naisip niya na marahil ay iniiwasan na rin siya ng dating nobya. Mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas pero alam ni Ethan sa sarili niya na wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya para sa dalaga, at sobrang nananabik na siyang makausap muli ito.

Ilang beses nang sinubukan ni Ethan na tawagan si Kate gamit ang sarili niyang cellphone number pero hindi ito sinasagot ni Kate, kaya ito ang naisip niyang gawin, ang bumili ng bagong mga SIM Card upang ipang-tawag sa dalaga at gaya ng inaasahan niya ay sinasagot ito ni Kate.

"Hello? E-Ethan? Ikaw ba 'yan?" Muli niyang litanya. Nahulaan ni Kate na si Ethan ang tumawag sa kanya. Pang-ilang beses na rin kasing may tumatawag sa kanya na iba iba ang numero pero pare-pareho namang walang sumasagot.

Napatayo nalang si Ethan sa kanyang kinauupuan at kinamot ang sentido. '$h*t ganoon ba ka-obvious na ako ang tumatawag sa kanya?' saad ni Ethan sa kanyang sarili.

"Ethan, alam kong ikaw 'yan." Sabi niyang muli sa kabilang linya. Hindi na alam ni Ethan ang kanyang gagawin kaya sa halip na kausapin si Kate ay ibinaba nalang niya ang tawag. 'You are such a coward Ethan. Duwag ka!' Kastigo niya sa sarili, nanghihinayang siya sa pagkakataon na maka-usap na sana ang pinakamamahal pero pinanghihinaan siya ng loob na marinig muli na ayaw na sa kanya ni Kate. Para sa kanya, masaya na siyang narinig ang boses ng dati niyang kasintahan. Dumiretso na siya sa banyo ng kanyang kwarto para makapaghanda sa kanyang pupuntahan.


*  *  *


"Huwag kang matakot

"'Di mo ba alam nandito lang ako

"Sa iyong tabi

"'Di kita pababayaan kailan man

"At kung ikaw ay mahulog sa bangin

"Ay sasaluhin kita

It's Not Too LateWhere stories live. Discover now