CHAPTER 13 : "Her Words Felt Like A Knife"

1.5K 58 7
                                    

~CHAPTER 13 : "Her Words Felt Like A Knife"~


*ETHAN JAY KRISTOFF's Point Of View*


"Ethan,"

Tumakbo ako papalapit sa ring habang idini-dribble ang bola.


"I'm really sorry, pero kasi..."

Papalapit nang papalapit, focused lang 'yung mata ko sa ring. Left foot, right foot, Jump. Dunk! Pumasok ang bola.


"may gusto na akong iba."

Habol hininga kong kinuha ang bola. Nag-dribble ako ng mabilis habang umiikot sa paligid ng court. Nasa labas na ako ngayon ng three-point line. Hinihingal, nagtatagaktakan ang pawis, at nakatutok lang ang mga mata sa ring na para bang isang kurap lang mata ko, sa isang iglap na kukurap ako ay maaari na itong mawala. 'Fix your eyes on the prize' ika nga nila. Nanginginig kong itinaas ang bola gamit ang kanan kong kamay, habang ang kaliwa naman ay nakasuporta sa gilid ng bola.


"Ethan, I'm breaking up with you."

May mga luhang muling tumulo noong naalala ko 'yung mga katagang binitiwan ni Kate noong gabing iyon. 'Yung mga salitang nagpapahiwatig na tapos na kami, tapos na ang Love Story namin. Hinihingal pa rin ako pero ni-minsan hindi naalis sa paningin ko ang ring kung saan dapat pumasok ang bola. Nanginginig kong pinakawalan ang bola at inihagis sa ere.

Ƒ*ck! Sablay! Tumama lang sa ring pero hindi man lang umabot kahit sa backboard. Nanatili lang akong nakatayo doon kung saan ko pinakawalan 'yung bola na ngayon ay gumugulong na sa sahig pabalik sa akin. Pinulot ko iyon at itinoon kong muli ang aking atensyon sa ring. Kainis! Kahit ano palang focus at atensyon ang ituon mo sa isang bagay ay may posibilidad din pala itong sumablay o pumalpak. Parang sa pag-ibig lang, kahit na gaano mo tutukan at kahit na gaano ka kaseryoso, may posibilidad pa ring pumalpak ito at tuluyan ng mawala sa'yo ang taong mahal mo. Sa naisip kong iyon ay unti-unting nag-flash sa isipan ko ang mga imahe ng isang babaeng sobrang mahal na mahal ko. Si Kate.


"Ethan, I'm really sorry, pero kasi... may gusto na akong iba. Ethan, I'm breaking up with you..."


"...Ethan, I'm breaking up with you..."


"...Ethan, I'm breaking up with you..."


"...Ethan, I'm breaking up with you..."

Parang sirang plakang paulit ulit na nagpi-play sa isipan ko 'yung mga huli niyang sinabi bago siya umalis noong gabing iyon. Bago siya tuluyan nang magpasyang umalis na sa buhay ko. Mga salitang parang patalim na paulit ulit na tumatarak sa puso ko. Paulit ulit na ipinaaalala ang sakit. Oo, hindi pa ako nakakapag-move on at sa ngayon, wala pa akong balak na mag-move on. I want her back.

"Ƒ*ck... Ƒ*ck... Ƒ*CK!" Pagsigaw ko at ibinato ko ng malakas 'yung bolang hawak ko. Tumama lang 'yun sa pader, tumalbog talbog at gumulong na sa kung saan. Yumuko ako, nakalagay ang dalawang kamay sa aking tuhod bilang pantukod. Hinihingal pa rin, kitang kita ko ang bawat patak ng pinaghalong pawis at luha na nahuhulog mula sa aking mukha at buhok. Ang sakit pala! Ang sakit pala na maiwan ng taong mahal mo at inaakala mong mahal ka rin.

It's Not Too LateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum