13-tacles

7.9K 229 17
                                    

Pagpasensiyahan niyo na muna 'to. Maikli lang eh. At least, nag-update ako at nalaman niyong buhay pa ako diba? Hahaha. Vote kayo ha? o kaya comment! :))

------------------------------------------------------------

FRANCIS' POV

"Pwede ba tayong mag-usap, Bench?" bungad ng isang lalaki sa gitna ng pag-uusap namin ni Ben-ben.

Agad naman akong napakuyom ng kamao bago pa ako makalingon sa nagsalita.

Kilala ko na kasi yun. At sa tono ng pananalita niya, mukhang magkakatotoo yung pinag-usapan namin ni Bench kagabi sa fishball-an.

"Bakit, Dino? Malinaw naman na sa akin eh. Hayaan mo na akong makalimot." sabi naman ni Bench, nakatanaw siya sa kausap niya mula sa balikat ko.

Nagagalit ako pero hindi ako makapalag sa paghawak niya sa braso ko. Nakakadagdag pa dun yung seryoso niyang pagtingin kay Dino pero hindi sa galit na paraan. Para bang gusto niya na lang sabihin na suko na siya at ayaw na niya. Kahit papaano, parang napapakalma ako ng pagtitig ko sa kanya.

"Bench, pagpaliwanagin mo muna ako. Hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin eh."

Pucha! Ngayon lang ako nainis kay Dino ng ganito! Gusto ko talaga siyang suntukin! Nakakabobo eh! Sinabi na ngang ayaw makipag-usap ni Ben-ben eh!

"Wag kang lilingon, kapag lumingon ka, wag mo na rin akong kausapin." pabulong na sabi ni Bench sa akin habang mahigpit na pinipigil ang braso ko sa paggalaw dahil gusto ko na talagang umikot para masuntok sa mukha yung lalaking nagpaiyak sa kanya.

Para naman akong batang pinagsabihan ng magulang niya kaya natahimik ako. Hindi ko nagawang kumilos, kahit na kaya ko naman iwasiwas yung kamay niya para makawala ako.

"Dino, wag muna, please? Makakalimutan ko din naman 'to eh, pero wag mo akong madaliin. Ang damdamin ng mga tao, parang gripo. Kahit na anong pagpihit pa ang gawin mo para isara ito, kung sira na, may tatagas at tatagas pa rin." hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya habang nagsasalita siya.

Ramdam na ramdam ko yung sakit, galit, at lungkot niya sa sinabi niyang yun.

"Pero, Bench..."

"Isa pang buka niyang bibig mo, sasarguhin ko na yang mukha mo!" paasik kong sabi kahit na nakatalikod ako.

Nahuli kong nakatingin lang sa akin si Bench kaya kinindatan ko siya at inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya.

"Hindi ako lumingon ha? Nasunod ko pa rin yung utos mo sa akin." nakangiti kong bulong sa kanya.

Narinig ko na lang yung mahina niyang pagbungingis tapos ay bigla siyang bumitaw sa braso ko.

"Dino, okay lang ako. Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Malinaw naman ang lahat eh. Hayaan mo muna akong malimutan yung feelings ko sa'yo. Wag kang mag-alala, magkaibigan pa rin naman tayo. Ako lang naman ang nagkamali dito eh. Masyado kasi akong na-attach sa'yo."

Nagulat na lang ako nang biglang umalis si Bench na parang nagmamadali. Nasundan ko na nga lang ng tingin yung paglayo niya dahil sa bilis ng pangyayari eh.

"Sundan mo na, p're." kumpiyansang sabi ni Dino kaya napalingon ako at lumapit sa kanya.

"Mag-uusap tayo mamaya." sabi ko sa kanya habang dinuduro-duro ko yung dibdib niya.

Ngumiti lang siya sa akin tapos ay tumango. Babalikan ko 'to mamaya pag breaktime.

Tumakbo na rin ako at sinundan ang dinaanan ni Bench kahit na hindi ko alam kung saan siya pumunta. Nung masalubong ko sa daan yung kaibigan niya, na parang tuko na kasama niya palagi, ay itinuro nito ang direksyon ng C.A.T. HQ.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now