20-tacles

5.2K 156 51
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Magsalita ka naman. Kanina pa ako paliwanag ng paliwanag dito oh?" eh kung sampalin kaya kita? Hindi mo ba mahalata na ayokong makipag-usap sa'yo? Nakaka-badtrip ka kaya! Mabuti pa yung kaibigan ko nabigyan ako ng atensyon samantalang ikaw, nagpapakasasa sa family bonding niyo?

Oo na-gets ko na minsan lang kayo magsama-sama ng buong angkan niyo, pero, mano man lang na magsabi ka kung nasaan ka kahit isang text lang 'di ba? Palusot ka pa na naiwan mo cellphone mo sa bahay niyo. Bakit, wala bang cellphone ibang miyembro ng lahi niyo? Ang sabihin mo, ayaw mo na sa akin kasi hindi naman ako katulad ng mga ex-girlfriends mo.

"Basta, totoo lahat ng sinabi ko sa'yo. Ikaw na bahala kung maniniwala ka o hindi. Ang gusto ko lang, mag-sorry sa hindi ko pagtupad bilang boyfriend mo." seryoso niyang sabi tapos ay hinila niya ang kamay ko para yakapin ako. Medyo ikinabigla ko yun dahil wala sa hinagap ko na yayakapin niya ako sa tapat ng bahay namin kung saan kita kami ni Aling Bining mula sa sarili nilang bintana pati ni Mang Berto na nakaupo sa tapat ng bahay nila't nagyoyosi.

Sa oras ding yun, parang nanlambot ako at napayakap na din sa kanya.

"Nakakainis ka naman kasi eh!" bigla kong atungal habang hinahampas ko yung likod niya, "Nami-miss kita pero wala kang paramdam!" dagdag ko pa tapos may effect nang pag-iyak dahil hindi ko na napigil ang sarili ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kaya napahigpit din ang yakap ko sa kanya. Yung init ng paghinga niya, damang-dama ko sa bandang tenga ko na nagpakilig sa akin na parang humawak ako sa poste ng kuryente.

"Sorry na nga kasi. Promise, hindi na mauulit yun! Magpapaalam na ako sa'yo lagi tapos makikitext na rin ako pag nalimutan ko cellphone ko." mahina niyang sabi sa tapat ng tenga ko. Kinikilig ako dahil sobrang nakakakiliti yung pagbulong-bulong niya.

Kumalas ako sa pagkakadikit ko sa kanya tapos ay tinitigan ko siya sa mata. Bakit parang iba yung titig niya kesa kay Francis? Dun sa kumag na yun, kahit sulyap lang, alam ko na kung ano nararamdaman niya. Dito kay Xy, parang kailangan ko pang kilatisin ng mabuti.

"Promise?" tanong ko sa kanya. Napansin kong nagsara na ng bintana yung kapitbahay namin kaya napangiti ako sa loob-loob ko. Bawas isang tsismosa.

"Promise nga." sagot naman niya tapos ay kinabig ako sa baywang para mapalapit ulit sa kanya. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit na parang walang bukas.

Peste! Bakit ba mga ganito pa lang niya, para na akong tinutunaw. Paano pa kaya pag um-enter siya sa akin 'di ba? Ayyyy! Gravity!

"Bukas hatid-sundo na kita ha? Wag kang papalag!" oo na! Kahit na ang lakas maka-tatay. Tss.

Tumango lang ako tapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Pasok tayo sa bahay."

"Wag na, girlfy. Baka nandyan Kuya mo eh. Ayoko munang mabungangaan, pagod pa ako sa biyahe eh."

"Pahinga ka na lang muna. Bukas na tayo mag-usap."

"Tawagan kita mamaya ha? Usap tayo."

"Sige. I love you, boyfie."

"Love you, girlfy."

Pagkalabas niya sa eskinita, saktong tumayo si Mang Berto mula sa kinauupuan niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya at naka-'thumbs up' sa akin. Wow si lolo mo Berto! Buti pa siya, aprubado niya boyfriend ko. Kaloka!

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto ko at nagpaka-busy sa ibang gawain hanggang sa maghapunan. Medyo hindi ko naman trip yung ulam namin kaya konti lang nakain ko at bumalik na agad ako sa kwarto. Hinintay kong tumawag sa akin si Xyrus hanggang sa pareho na kaming antukin at magpaalam na matulog na.

Bullied Heartजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें