24-tacles

4.3K 153 17
                                    

FRANCIS' POV

"Teka! 'Wag ka namang padalos-dalos!"

"Hindi, p're! Bibigyan ko lang ng isa yung lalaki na yun para matauhan! Namumuro na eh!"

"Teka nga muna kasi!"

"Bakit mo ba ako pinipigilan!? Tinatarantado niya kaibigan natin tapos pipigilan mo lang ako?! Kanino ka ba talaga kampi?"

"Sa'yo p're! Pero..."

"Pero ano? Ayaw mo ng gulo?! Kita mong yung kaibigan na nga natin ang agrabyado dito, gusto mo pang manahimik lang ako?"

"Hindi naman sa ganun! Pero, kasi, hindi mo naman alam kung saan nakatira yung tao eh."

"Pwede ko namang itanong kay Bench eh!"

"Sa tingin mo ba matutuwa siyang malaman na bibirahin mo syota niya? Mag-isip ka muna, p're!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya.

Tama si Dino. Alam kong hindi matutuwa si Bench kapag nalaman niyang sinaktan ko ang syota niyang ugok na akala mo kung sinong gwapo para hindi magparamdam sa kaibigan namin ng isang buong linggo! Kung nakikita niya lang si Bench, baka maawa siya kasi laging lutang yung tao saka parang nangangayayat. Pinipilit ko ngang kumain ng maayos yun pero, wala daw talaga siyang gana. Ayaw ko namang usisain siya sa bagay na yun kasi alam kong wala akong maipapayong maganda. Sasabihan ko lang siyang hiwalayan niya na lang yung ulupong na yun kesa nagmumukha siyang tanga.

"Umupo ka muna, p're. Pag-usapan natin 'to ng maayos." sabi niya tapos hinawakan niya yung bote ng alak na iniinom namin saka siya umusog para tabihan ko siya, "Ubusin natin 'tong alak habang pinag-uusapan natin yang pagiging syota kuno mo sa kaibigan nating ako ang dating crush." dugtong niya pa kaya tinabig ko siya.

"Seryoso na, p're. Ayaw ko talaga na nakikitang ganun si Bench. Parang ako yung nasasaktan eh. Kaya kung maka-isang suntok man lang ako sa Xyrus na yun, masayang-masaya na ako."

"Kahit naman ako, ayokong nagkakaganun yung kaibigan natin eh." sabi niya tapos sinalinan niya ng alak yung baso. Inalog niya ng konti yun para humalo saka niya inabot sa akin, "Manahimik na lang muna tayo. 'Wag na muna tayong dumagdag sa gulo." dagdag niya pa kasabay ng pagtungga ko.

Nanahimik na lang ako dahil wala akong maisip na sasabihin. Ayaw ko yung nangyayari kay Bench pero, tama din naman si Dino na 'wag muna kaming makigulo. Alam namin pareho na malaking kagaguhan yung ginagawang pakikipagkita ni Xyrus sa iba habang yung kaibigan naming syota niya, hindi niya man lang magawang kausapin. Pero, ano nga namang maitutulong namin? Ang biglain siya sa balitang niloloko lang siya ng syota niya?

Mas mataas ang tyansa na sabihin niyang pinagti-tripan lang namin syota niya dahil masama dugo namin doon. Mas masakit sa akin na hindi niya ako paniwalaan sa katotohanang sasabihin ko.

Natauhan ako nang biglang may dumantay sa balikat ko. Napalingon ako sa kaliwa ko at kita kong tinutungga na ni Dino yung bote.

"Pero, iba ka p're." bungad niya tapos suminok siya saka ako nilingon, "Grabe tama mo sa kanya na nagiging madrama ka na."

"Ganito lang talaga ako kapag nagmamahal."

"Para kang tunay, lul!" sabi niya sabay tawa ng malakas. Inagaw ko na sa kanya yung bote tapos ay sinalinan ko ulit yung baso ko. Pesteng tanggero, lasenggero masyado!

Natapos ang gabi namin na lasing. Nakitulog na rin ako sa kanila kasi alam kong hindi ako aabot sa bahay kapag umuwi ako ng ganito.

Pagkagising ko kinabukasan, dumiretso ako sa banyo para umihi at maghilamos.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now