30-tacles

6.6K 161 120
                                    

Ayaw umayos ng pesteng tagging chenelyn ng punyetang Wattpad na 'to kaya pahirapan sa pag-mention sa inyo, guys. Pasensya na, tiis-tiis tayo ha? May mga eksena na baka sabihin niyong dapat kong ilagay dito. Well, alam ko naman yun eh, kaya lang hindi ko na ginawa kasi hahaba masyado ang kwento. Minsan pa naman, umaabot ng tatlong chapters ang nagagawa ko, maghahanap lang naman pala ng asin. Chos! Hahahaha.

Hello nga pala kay Mamsi sasuke21uzumaki! Ito na hinihiling mo, masaya ka nang baboy ka? Hahaha.

Hello din kina Melbie-10, lopezville99, dj_mak37, courageousbenj, lovemelikeahell, malingpagsulat, Celezthine213, YDOnodera, jerichodeelan, ceejay21_1982, mensblackbook, warhol, Yadong6969, safking016, jaen_98, KatherindelValle, discreetboy, CovertSolace, rmprsiii, junie1393, alvinjoe, Park_Dong_IN, HowToEscapeLove, at syempre sa Baby kong si DanielDelfin.

Wooh! Hirap mag-type ng mano-mano! Punyeta talagang Wattpad 'to! Pasakit! Basahin niyo na nga lang!

------------------------------------------------------

BEN CHESTER'S POV

"B-bakit?" bigla kong natanong sa mga friendship ko matapos akong tumawa ng malakas sa joke ng isa sa kanila. Lahat kasi sila, nakatingin sa akin na parang nagtatanong at nanghuhusga.

Gusto kong pagdududukutin mga mata nila kasi alam kong pasimuno 'to ni baklang Jeffrey. Pasaway talaga 'yang badeng na 'yan! Lumalaban na sa isang Diyosang gaya ko!

Sabay-sabay pa silang tumayo sa harap ko at tinitigan ako ng nakataas ang kilay. Ano bang problema ng mga baklang 'to at parang nagpapaka-b*tch sa akin? May balak ba silang patalsikin ako sa grupo dahil sobrang ganda ko? O baka naman gusto na nilang tumiwalag sa kagandahan ng isang Diyosang gaya ko? Kahit ano naman ang piliin nila, maganda pa rin ang labas ko.

"Nag-break na kayo nung jowa mong maboraptik." biglang sabi ni Jonel, isa pang baklang chiki na halos kakambal na ni Jeffrey dahil sa rocky road niyang fezlak.

Hindi ko na talaga kailangang ipangalandakan noon na jowa ko si Xyrus dahil sigurado akong maraming matang nakamatiyag sa akin. Daig pa nila mga kuwago sa gabi. Isa pa, mabilis talagang kakalat ang balita kapag mala-megaphone na bibig ang pinagsabihan mo ng mga ganung bagay. At ang pinatutungkulan ko nun ay si...

"Iniiwasan mo si Francis." sabat naman ni Jeffrey. Speaking of the devil horse! Napahampas na ako sa mesa at tumayo dahil sa inis sa sinabi niya. Aba! Pinagkakaisahan ako ng mga baklang chararat na 'to dahil lang sa mga lalaking umaaligid sa buhay ko?

Kung gusto nila si Francis, bakit hindi nila landiin? Kasalanan ko bang mas trip akong dikitan nung tao kasi mas disente akong bakla kumpara sa kanila? Kasalanan ko bang mas gusto niya akong halik--

"Tama na mga bakla! O-OA niyo na!" nasigaw ko na lang sa kanila dahil ayokong aminin na tinanggap ko ang halik ng lalaking yun ng ganun-ganun lang. Kung nung una ayos lang sa akin, napagtanto ko ngayon na isa 'yung malaking ekis sa pagkakaibigan namin!

Binagabag din kasi ako ng pangit na mukha ni Jeffrey nung weekends. Si bakla, pumapasok sa panaginip ko. Once na makita ko na hibla ng buhok niya doon, nagiging bangungot na at umuulit na 'yung mga salitang sinasabi niya sa akin tungkol sa pagiging manhid ko daw kay Francis. Ganun nang ganun ang nangyari sa loob ng apat na gabi. Ngayong Miyerkules, sana, hindi na pumasok si badeng sa panaginip ko. Sana.

"Umamin ka na bakla. Ilang araw ka nang kakaiba. Kung hindi mo iniiwasan si Francis, bakit hindi ka sa kanila sumasama tuwing lunch?" pang-uusisa niya sa akin kaya napa-irap ako sa kanya. Baklang 'to! Pagdating talaga sa lalaki, nagiging mapag-matiyag. Pero kapag mga lessons sa klase, nabubulag.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now