10-tacles

11.5K 296 49
                                    

Minsan talaga talkshit ako. Hahaha. May POV si Dino dito. So, imbes na tanggalin ko na yung pananaw niya dito, isusulpot ko na lang siya pag kaya ng utak ko. Ahehehe.

Saka, ito pala ang regalo ko sa mga magbabalik-eskwela. Makes me want to go to school again. Hahaha. Magliliwaliw lang. Hahaha. Wag niyo akong gayahin ha? Mag-aral kayo ng mabuti! Baka masisi ako ng mga magulang niyo pag tinularan niyo ako! Hahaha.

AAAAAAAAT! Hindi siya restricted! Hahaha. :DD

Oh siya! Basa na! Masyado na akong masaya eh.

<====================================================================>

BEN CHESTER'S POV

"Sorry na. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-selos dun sa kaibigan mo na yun. Palagi kasi siyang nakadikit sa'yo eh. Tapos hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa niyo pag magkasama kayo. Syempre, magdududa at masasaktan ako." agad na paliwanag sa akin ni Xyrus nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Napatampal ako sa noo ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Paanong naging ganito katanga ang isang matalinong gaya niya?

"Alam ko iniisip mo. Tinatanong mo siguro ang sarili mo kung paano ako naging tanga sa lahat ng sinabi ko." bigla niyang sabi kaya nakaramdam ako ng hiya. Baka kasi na-offend ko siya eh.

Gusto ko sanang tumango bilang pagsang-ayon sa kanya pero hindi ko magawa. Hinawakan niya na lang ang kamay ko at tinitigan ako sa mata.

"Pag-ibig. Yun ang dahilan kung bakit nagiging tanga ako sa harap mo." seryoso niyang sabi. Naramdaman ng buo kong katawan ang mga salitang binitiwan niya kaya hindi nito napigilan ang biglang pag-init at pamumula.

Gravity! Witch ko keri yung intensification ng mga salita niya. Kilig-eme naman ako! Hahaha.

"Xy, unang-una, wala kaming relasyon. Pangalawa, hindi ko siya magugustuhan. Pangatlo, wala kaming ginagawa pag magkasama kami. Tinuturuan ko lang siya para sa pag-aaral niya. Pang-apat, hindi naman tayo ah? Bakit ka magseselos?" charot lang yung dulo! Wag mong seryosohin!

Kinabahan ako ng bigla niya akong bitawan at talikuran.

Waaah! First manliligaw na nga, naging bato pa. Iyak-tawa na naman ako nito mamaya sa kwarto. Huhuhuhu.

Tumalikod din ako para hindi niya makita na nalungkot ako sa reaksyon niya. Pero nagulat ako nang biglang may pumulupot na pares ng bisig sa akin mula sa likod at may bumuga pa na mainit na hangin sa bandang tenga ko.

"Hindi PA tayo. Pero handa akong gawin ang lahat para maging akin ka. Ayoko nang mangyari ang gaya ng dati kaya liligawan kita hanggang sa mapasagot kita." mahina niyang sabi pero nagpasiklab ng kilig sa katawan ko.

Hindi ako nagpumiglas sa yakap niya dahil isa ito sa pinapangarap kong mangyari sa akin. Ang mayakap ng bestfriend ko na palihim kong minahal.

"Uhh, Xy? Ano... kasi... uhm..." tae! Najujutal akiz! Wai ako makuda! Anong i-i-ispluk ko?

Biglang humigpit ang yakap niya na palihim ko namang nagustuhan.

"Shhh. Hayaan mo na muna ako. Mami-miss kita sa panaginip ko eh." sabi pa niya kaya nag-init muli ang pisngi ko. Yung tipong makakapatay ka sa sobrang kilig. Hahaha.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa kusa siyang kumalas.

"Bye. Kita na lang tayo bukas ha?" narinig ko na lang na sabi niya.

At bago pa ako makalingon ay narinig ko na ang pagsara ng pinto namin. Gago siya!

HINDI KO PA SIYA PINAPATAWAD EH!!

Bullied HeartWhere stories live. Discover now