29-tacles

4.6K 152 91
                                    

Ito po ang continuation ng JS chuchu nina Bench at Francis. Pinutol ko lang kasi tinamad ako. :3

Dedicated din pala kina: @supertayt @HowToEscapeLove @lieuxx @Park_Dong_IN @ceejay21_1982 @Celezthine213 @NhicoKing @dearestwxz @vhinoz12 @Jadebubz18 @TheAtelophobicBoy @PreciousHernandez6

-----------------------------

BEN CHESTER'S POV

Biglang na-blangko ang utak ko sa nangyari.

Naitulak ko siya ng malakas dahil sa sobrang pagkabigla at pagtataka.

"Francis? A-anong..."

"S-sorry. Gusto ko lang patahanin ka. A-ayokong marinig na umiiyak ka eh." iwas ang tingin niyang sabi habang patayo siya, "Aalis na lang ako, kung gusto mo. Sorry ulit." sabi pa niya tapos ay tumalikod na siya sa akin paharap sa pintuan.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero, napakapit ako sa laylayan ng tuxedo na suot niya para pigilan siya. Alam kong dapat akong magalit dahil sa PAGHALIK niya sa akin pero, 'yung isipin pa lang na iiwan na naman ako, kahit na sa magkaibang dahilan, ang sakit sa pakiramdam.

"Dito ka lang, please? Samahan mo ako, Bes." pagmamakaawa ko. Medyo nagulat pa ako ng matawag ko siya ng 'Bes' ng walang pag-aalinlangan.

Umikot naman siya paharap sa akin at hinawakan ang kamay ko. Wala akong magawa kundi ang mapayakap ulit sa kanya at isubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Simula kasi nang mayakap ko siya kanina, gumaan na ang pakiramdam ko. Para siyang naging panyo na sinipsip lahat ng luha ko kaya wala nang tumutulo ngayon.

"Bes." pagtawag ko sa kanya habang inaamoy ko ang pabangong nakakapit sa damit niya. Iba 'to sa normal na amoy niya araw-araw. Ngayon ko lang ata naamoy sa kanya 'to.

"Bakit?" tanong naman niya at yumakap na rin siya sa akin na lalong nagpakalma sa akin.

Kailan pa? Kailan pa naging gamot si Francis na kayang pahupain 'yung galit, inis at sakit na nararamdaman ko? Dati, siya ang dahilan ng mga 'yun eh.

"Sorry ha?" mahina kong sabi. Nahihiya akong aminin na nagkamali ako sa lahat ng bagay na akala ko tama. Nahihiya ako sa kanya kasi nagalit ako pero, sa kanya din pala ako iiyak.

"Para saan?" tanong niya naman at naramdaman kong kumilos ulit ang kamay niya para hagurin ang likod ko.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na siya ang dumadamay sa akin ngayon at hindi ibang tao. Kung si Jeffrey 'to, baka nainis pa ako at lumayas kesa umiyak. Kung si Dino naman, baka umiyak lang ako nang umiyak kasi alam kong hindi niya ako lalapitan gaya ng ginagawa ni Francis ngayon.

"Kasi hindi ako naniwala sa'yo sa mga sinabi mo noon. Tignan mo tuloy ako, mukhang tanga." napakapit pa ako sa damit niya sa likod dahil dumaan na naman sa utak ko ang nakita ko kanina. Ang sakit kahit na hindi na ako naiiyak.

Naramdaman niya siguro ang ginawa ko kaya 'yung simpleng yakap at paghagod ng likod ko kanina, naging mahigpit at may pagpatong pa ng baba sa balikat ko na naganap.

"Ayos lang." mahina niyang bulong sa tenga ko. Medyo kinilabutan ako dahil umatake 'yung kiliti ko kapag nabubulungan, "Ikaw naman ang nagmukhang tanga eh, hindi ako." dagdag niya kaya kumawala ako at tinitigan ko siya ng masama.

"Tch. Leche ka." tampu-tampuhan kong sabi tapos ay hinampas ko ang braso niya. Natawa siya kaya tinalikuran ko siya at napatingin sa labas kasabay ng pag-seryoso bigla ng mukha ko, "Pero, seryoso, sorry talaga."

"Okay lang sa akin 'yun, Bes." sabi niya tapos ay naramdaman kong pumulupot sa baywang ko ang kamay niya mula sa likod. Ipinatong niya din ulit ang baba niya sa balikat ko kaya ang bibig niya ay nakatapat sa tenga ko.  Aba! Natuwa na? Porke nagda-drama ako dito? "'Wag mo nang alalahanin 'yun. Ang mahalaga, alam mo na ang totoo at napatunayan mong hindi ako magsisinungaling sa'yo." bulong niya ulit sa tenga ko kaya pinipigilan kong umigtad ng malakas. Inaatake na naman talaga ako ng kiliti ko! Bakit ba kasi bet na bet ng lalaking 'to na bumulong?

Bullied HeartWhere stories live. Discover now