18-tacles

7.4K 176 34
                                    

Pabago-bago mood ko habang ginagawa ko 'to. Ayoko nang mag-explain, yun na yun. Bawi na lang siguro ako sa dulo.

-------------------------------

BEN CHESTER'S POV

"Ma, pwede po bang wag muna akong pumasok ngayon? Magkakasakit ata ako eh." madrama kong sabi kay muji habang pakapa-kapa ako sa noo at leeg ko.

Pero charot ko lang lahat yun! Keri ko naman um-entourage sa schoolembang ngayonchi. Kaya nga lang pag ginawa ko yun, masa-sayla ko si Francis at ang mukha niyang hindi na nawala sa isip ko magmula nung magpunta kami sa pakining na amusement park na yun!

Wit na akiz maka-borlog ng maayos dahil dun! Kada pipikit ako, yung ngiti niya ang nakikita ko. Ang malala pa, sa nangyayaring yun, para akong kinikilig. Nararamdaman ko din naman kay Xyrus yun, pero yung kay Francis kasi parang mas angat yung level eh.

"Okay ka lang ba, nakshie? Ayos lang ba na hindi ka papasok ngayon? Paano kung may biglaan kayong quiz?" nag-aalala niyang tanong. Yan, mukhang mabilis kong mapapa-oo si Muji ah?

"Ma, bagong taon, ang lupit naman ng teacher namin kung gagawin nila yun. Panigurado namang nganga lang kami dun eh." pagrarason ko naman. Well, hindi naman siya malayo sa katotohanan kasi ganyan ang nangyari sa akin for the past 2 years. Kung hindi maglilinis ng room, patatambayin kami sa library.

"Sigurado ka ha? Sige, kung okay lang naman pala, wag ka na pumasok. Magpahinga ka ha? Dadalhan na lang kita ng pagkain sa kwarto mo." sabi niya kaya tinubuan agad ng ngiti ang mukha ko! Pero binawi ko din agad kasi baka ma-knowstra niya na ine-eme ko lang siya.

"Sige po, Ma. Salamat." sagot ko na lang.

Umakyat na ako sa taas pero napahinto ako nung mahawakan ko yung doorknob ng kwarto ko. May narinig kasi akong boses na hindi ko inaasahan. Para tuloy umandar ang kaba sa dibdib ko at agad ko nang binuksan ang kwarto ko. Pagpasok ko, ni-lock ko agad ang pinto para wala nang makapasok. May 'sakit' ako, siguro naman walang paakyatin dito si Mama para mang-istorbo 'di ba?

Nahiga na muna akiz sa kama ko pero natulala lang ako sa kisame. Wag na wag may kakatok dyan! Hindi ko siya kayang harapin! Hindi ko siya haharapin!

"Anak, nandito si Francis. Sabi ko may sakit ka kaya pumasok na siya mag-isa pero ayaw niya daw eh. Nag-aalala ata at gusto kang makita." dinig kong sabi ni Mama mula sa labas kaya lalong tumindi ang kaba ko!

"Ma, sabihin mo, nakakahawa ang sakit ko! Ayokong mahawa siya sa akin!" bilin ko naman para pigilan yung kumag na yun sa pag-akyat dito sa kwarto ko. Paano na lang pag nandito siya? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Narinig ko na lang ang pagbaba ni Mama kasabay ng paglagabag ng pinto sa kabila. Gising na rin si Kuya kaya siguro naman ayos na kay Francis kahit sila lang ang magharap 'di ba?

Dahil sa kaba, nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko. Hangga't alam kong nandito sa bahay si Francis, hindi ako mapapakali. Ayoko munang makita ang mukha niya, baka kasi bigla akong mapaamin at masabi kong baka nga may gusto ako sa kanya.

FRANCIS' POV

"Ganun po ba? Pwede po bang hintayin ko na lang po siyang bumaba dito?" paalam ko kay Tita nung sabihin niyang maysakit si Bench at hindi ako mahaharap. Alam ko naman kahit ganun, bababa at bababa yun para kumain o umihi man lang 'di ba?

"Okay lang naman eh, kaso may pasok kayo 'di ba? Saka hindi ko sigurado kung bababa nga siya." tanong niya. Hindi ko naman masasabing wala kaming pasok kasi naka-uniporme ako, alangan namang idahilan ko pang trip ko lang pumunta sa kanila ng nakaganito 'di ba?

"Eh wala naman po kaming gagawin dun eh. Saka, wala po si Bench dun, walang magpapaintindi sa akin nung mga ituturo ng teacher namin kung sakali." sagot ko. Napangiti siya kaya napangiti din ako. Umalis na lang siya kaya umupo muna ako sa sofa nila.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon