12-tacles

7.6K 229 32
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Okay ka na, beks?" biglang tanong sa akin ni Jeffrey habang naglalakad kami papunta sa building kung nasaan ang mga room namin.

Nagkasalubong kasi kami sa gate at doon pa lang ay mukhang kanina niya pa gustong itanong sa akin yan.

Bago ako sumagot ay napakuyom ako ng kamay sa strap ng bag ko at huminga ng malalim. Pinipilit ko na ngang kalimutan yun eh. Bakit ba kasi ang bilis kumalat ng balita? Talbog pa mga migrating birds eh.

Pasagot naman na sana ako nang biglang may dumunggol sa akin at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay napapikit at napangiwi ako sa sakit.

"A-a-aray." nanghihina kong sabi dahil nasasaktan na talaga ako.

Ang ganda-ganda ko, ginaganito lang ako ng mga tao? Kailangan bang saktan pa ako physically? Bugbog-sarado na nga ako mentally and emotionally eh. Kailangan ba yung tipong make-K.O. na ako? Yun ba ang bet nila?

"Okay ka lang ba?" dinig kong tanong ng isang lalaki kaya napakunot ang noo ko at dahan-dahan akong nagdilat ng mata.

"F-F-Francis?" nagtataka kong naitanong sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot at basta na lang niya akong inisnab para humarap sa kaibigan ko.

"Hihiramin ko lang muna si Bench. Dumaan ka sa room namin, sabihin mo may nangyari sa kaibigan mo kaya ako na ang nag-prisinta na ihatid siya sa clinic. Bahala ka na kung paano mo ipapaliwanag sa teacher namin. Ang mahalaga, naipaalam mo kami." seryoso niyang utos kay Jeffrey. Sundalo lang ang peg natin?

"Ah, ah, ah, o-o-oo si-s-sige." nangangatal naman na sagot ni Jeffrey. Kinikilig yan, pihado.

Pagkasagot na pagkasagot ng bakla kong kaibigan, na ang hilig akong ibenta sa ibang tao, ay hinawakan ni Francis ang braso ko at hinila ako.

Sa pagkabigla ko sa ginawa niya ay napamura ako habang nagpapakaladkad sa kanya. Grabe naman kasi 'tong lalaking 'to! Feeling niya sa akin? Lubid? De hila? Kaurat ha?

"Teka lang muna! Stop! Hinto!" pagtawag ko sa atensyon ng ugok na lalaking kung makahila sa akin ay para bang isa lang akong maleta.

"Mamaya mo na ako kausapin. Gusto kong mag-usap tayo sa konti lang ang tao." sagot niya sa akin kaya napatingin ako sa harap ng nilalakaran namin.

AnakNgMakapalAngTutsang! Lalabas kami ng gate?

"Teka, teka, teka! Ayoko! Hindi ko gagawin yang pinaplano mo! Hindi ako lalabas ng gate hanggang hindi pa tapos ang klase ko!" pagmamaktol ko naman sa kanya habang pinipilit kong kumawala sa hawak niya.

Pero ang ungas, bakulaw mode talaga! Ang lakas! Hindi ako makaalpas kahit na braso ko lang ang hawak niya! Tapos, hindi pa ata nakuntento na hindi ako makawala sa hawak niya...

BINUHAT AKO AT INILAGAY SA BALIKAT NIYA!

"Ibaba mo ako! Tarantado ka! Francis! Ibaba mo ako!" sunod-sunod kong utos sa kanya habang hinahampas-hampas ko ang kamay ko sa likod niya at nagkakakawag ako para makawala.

Napahinto siya saglit tapos ay hinigpitan niya ang pagkakabuhat sa akin.

"Wag kang malikot! Hindi naman kasi tayo lalabas eh! Masyado kang ano! Dadalhin lang kita sa kubo ng C.A.T. officers! Dun tayo mag-uusap!" pasigaw niyang sabi sa akin kaya napatikom ako.

Sa C.A.T. HQ lang naman pala. Feelingera lang ako na lalabas kami. Hindi naman kasi niya sabihin agad eh. Kaloka!

Nung magsimula na ulit siyang lumakad ay napansin kong parang humihigpit yung hawak niya sa pwet ko na kanina ay nasa may hita ko lang nakadapo.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now