3-tacles

13.1K 353 23
                                    

Kai will be our bad boy Francis! Ayun siya sa gilid oh! :))

Medyo tinatamad akong gawin 'tong chapter na 'to kasi parang nawawalan na ako ng interes. Baka ito na ang huli kong update sa lahat ng story ko ngayong buwan. Pagpapahingain ko muna yung utak ko saka yung katawan ko. Wala na ako sa ayos eh. Pero huwag niyo akong dumugin ha? BAKA lang naman eh, pag kinaya ng jutak ko, edi GO sa update! HAHAHA. :)))

<=======================================================================>

BEN CHESTER'S POV

"Break time muna tayo. 5 minutes lang. Pagod na utak ko eh." pakiusap ni Dino dahil kanina pa nga naman kami nag-aaral dito sa library.

Actually, dito ko talaga pinlano na mag-aral kaming dalawa kasi alam kong never, as in NEVAH!, papasok dito yung Bully-via na yun!

"Oh sige, 15 minutes mo na. Medyo torete na din utak ko eh." nakangiti kong sabi sa kanya tapos ay kinuha ko ang biskwit ko sa bag.

"Diba bawal yan dito sa loob ng library?" pabulong na tanong sa akin ni Dino habang nakaturo sa kinakain ko.

"Witchi! Keri lang yan! Kung may laps ka dyan, gora lapyuks ka na! Akiz nang bahala kay Ms. Reyes." sabi ko sa kanya pero nagtaka ako nung makita ko yung fez niya.

Sobrang nalilito!

"Wala akong naintindihan sa sinabi mo. Pwede yung salitang pantao?" pabulong niyang tanong.

Hindi ko dapat palampasin yung sinabi niya dahil parang niyurakan na din niya yung pagkatao ko, pero, keme na! Gwashi naman siya eh. Hahaha.

"Sabi ko, ayos lang na kumain tayo dito. Ako nang bahala kay Ms. Reyes pag pinuna tayo. Gets?" sabi ko naman sa kanya na may tono ng sarcasm.

Tumango naman siya at dumukot ng something sa bagelya niya.

Ay, puta! PIATTOS! Yung roasted beef pa! Favorite ko yun eh.

"Dino! Penge naman! Favorite ko yan eh." excited kong sabi sa kanya tapos ay ini-stretch ko yung kamay ko para dumukot ng Piattos.

"Hoy! Bawal ang pagkain sa loob ng library!" sabi sa amin ni Ms. Reyes na nasa likod ng table niya at matalim ang titig sa amin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ma'am, he's under my supervision po. I need to teach him everyday para po maka-catch up siya sa lessons namin. Medyo slow po siya kaya kailangan namin ng maraming oras as much as possible. Kung bababa pa po kami para kumain every break namin, it would be a big waste of our time. So, I've decided to bring our own food na lang po tapos kakain po kami while we're studying. Kailangan ko po talaga siyang tutukan para po hindi bumagsak ang grades niya at maka-graduate na siya ng high school. Actually, na-delay na nga po siya dahil sa sobrang pagka-slow niya eh at saka sa kadahilanang walang gustong tulungan siyang mag-aral. Ma'am, I am asking for your permission. Can we eat while we'se studying here? Mahihirapan po talaga kami pag bumaba pa kami at nakipag-gitgitan sa canteen para lang makabili ng pagkain. Plus, dito po kasi ang ideal learning place ko eh. Tahimik. Walang gulo. Hindi stressful. Makakapag-aral po talaga kami ng maayos. Hindi po tulad sa labas na may possibility pa na tamaan kami ng flying footsocks, mga papel, matabig ng nagtatakbuhang isip-bata, maingayan sa mga mala-palengkera kung magkwentuhan, mga ---"

"Na-gets ko na! Tama na. Oo na, pwede kayong kumain dito pero dun kayo pumwesto sa likod ng shelves pwede? Para walang makakita sa inyo na kumakain at mainggit tapos sabihin pang napaka-unfair ko." sabi na lang ni Ms. Reyes habang nakatukod ang kamay niya sa mesa at nakaturo dun sa dulong aisle ng mga libro.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon