15-tacles

8.1K 204 87
                                    

Maintindihan niyo sana lahat ng kabaklaang pinagsasasabi ni Bench dito. Kung hindi naman, tanungin niyo ako. Hahahaha. Good luck sa brain cells niyo. And, walang edit-edit 'to. Sira kasi laptop ko eh.

-------------------------

BEN CHESTER'S POV

Kulit ng lola nung KATerpillar na yun! Isang linggo ko nang sinasabing wala ngang halikang naganap sa amin ng syota niya pero mapilit talaga siya! Super Q&A siya na aminin ko na daw yung totoo! Ito rin naman kasing may sa kumag na Francis na 'to, ayaw sumagot sa tanong ni Queen Higad! Ayan tuloy, nawatat ang loka at ang akala tuloy may sinisikreto kami.

"Franz! Pagsabihan mo nga yang jowa mo ha? Pag ako napika dyan, mata-thunderbolt ko na siya!" iritable kong bilin sa kanya nung magpunta kami sa tinatambayan namin.

Gusto ko rin siyang pagsabihan sa pagiging ungentleman niya pero wag na lang. Sanay naman na akong maraming buhat eh. Pisngat kasi yung teacher namin eh! Bakit ngayon pa naisipang ibalik yung mga portfolio namin? Saka bakit ngayon pa umabsent ang magaling naming President!? Kajirits sila! Eh wala akong taga-buhat ngayon eh! Wala si Dino kasi may sakit siya.

Kakaawa nga din yun eh. Pagkasoli ko ng P.E. uniform niya kahapon, biglang inatake ng ubo! Syempre, bilang FRIEND, mag-aalala ako! Kaso ang sabi niya, okay lang daw siya. Pagod lang daw siguro. Eh ano ba kasing ginawa niya at napagod siya? Jusko naman! Papagurin ko na lang siya, kung gusto niya! Charot!

"Ha? Hayaan mo na yun, nakipag-break na ako sa kanya. Wala na akong paki sa kanya." walang buhay niyang sagot na ikinawindang kez! Eh anong binreak sa ginagawa ni Kat sa akin?

"Kailan pa?" interesado kong tanong tapos ay tumabi ako sa kanya. Napatingin siya saglit sa akin tapos ay umusog siya ng konti palayo.

"N-nung isang a-araw lang." nauutal niyang sagot tapos ay nag-iwas siya ng tingin. Nakatanaw siya sa quadrangle kung saan may mangilan-ngilang naglalaro ng basketball at naglalakad-lakad lang.

Umayos ako ng upo at naglagay na ako ng puwang sa pagitan namin. Dun ko nilagay yung bag ko saka ako tumanaw din sa quadrangle.

"Mabuti naman at naisip mong hiwalayan yung babaeng yun. Wala ka naman kasing mapapala dun eh." wala sa isip kong nasabi habang nakatanaw ako sa kawalan, actually, sa quadrangle lang naman. Hehehe.

"Oo nga eh. Saka may iba na kasi akong gusto. Pero natatakot akong sab--" hindi ko pinatapos ang salita niya dahil nabigla ako sa word na ginamit niya. 'NATATAKOT'!? OMG!

"Natatakot ka? Jusko, ser--" bumawi siya ng pagputol ng salita ko nung takpan niya yung bibig ko ng daliri niya. Lakas namang maka-eksena sa teledrama nitong ginawa niya.

"Oo, natatakot ako. Kasi hindi ko pa alam kung tama 'tong nararamdaman ko. Ni hindi ko nga alam kung sigurado ako dito eh. Basta ang alam ko, iba yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya kumpara sa mga nauna kong syota." seryoso niyang sabi habang nakatitig siya sa akin. May napansin ako sa mata niya pero hindi ko ma-knows kung ano. Parang I need to dig deeper, deeper than the sea. Chos! Basta hindi ko mawari.

Lumapit ulit ako sa kanya at hinagod ko yung likod niya na parang pinapakalma ko siya. Napangiti ako nung makita kong idiniretso niya yung katawan niya na para bang may ground yung kamay ko.

"Ayos lang yan, Franz. Wala namang mali sa pag-ibig eh. Pero tama ka, nakakatakot ngang magsabi ng nararamdaman sa isang tao kung hindi ka pa sigurado. Kita mo naman nangyari sa amin ni Dino 'di ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at parang may ibinulong. Nung tanungin ko naman siya ay sinabi niyang wala lang yun at ginulo pa ang buhok ko.

"Wala ba tayong aaralin ngayon?" bigla niyang tanong. Bumalik ako sa upuan ko at napatingin sa mga portfolio.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now