23-tacles

5K 150 55
                                    

FRANCIS' POV

"Ma! Nasaan yung ballpen ko dito?!" pasigaw kong tanong habang binabaligtad ko lahat ng gamit sa kwarto. Peste kasing ballpen! Alam namang nag-aaral ako, hindi mapirmi sa isang lugar!

"Aba, malay ko sa'yo! Burara ka sa gamit mo tapos sa akin mo hahanapin?" sagot naman niya na mukhang nakatayo na siya sa may hagdan. Ang lakas ng dating ng boses niya eh, "Bumaba ka nga muna dito! Ibili mo ako ng suka kina Aling Tinay!" dugtong niya kaya halos mapamura ako.

Kaninang nasa baba ako at nanunuod lang ng TV, hindi pa ako inutusan. Ngayong nag-aaral ako, saka ako guguluhin. Hindi ko rin malaman sa mga 'to kung ano ang gusto eh.

Pero, kahit na ganun, napilitan akong bumaba kasi alam kong masusumbatan na naman ako. Kesyo hindi ako bumili ng suka agad kaya nasunog niluluto niya o kaya hindi ako bumili ng suka kaya hindi siya nakapagluto.

"Akin na nga! Pahingi din ng pambili ng ballpen, nawawala yung ginagamit ko."

Binigyan niya ako ng beinte pesos para sa dalawang bibilhin ko. Lumabas agad ako ng bahay kahit na naka-paa lang. Tatlong bahay lang naman layo ng tindahan ni Aling Tinay mula sa amin eh.

Pagdating ko doon sa tindahan, bumungad agad sa akin si Roy, ang anak ni Aling Tinay at kababata ko, na ngiting-ngiti. Mukhang may naisip na naman ang kumag.

"Hoy, p're! Sama ka mamaya? May inuman kina Ronald." sabi na eh. Pag ganyan kalaki ngiti n'yan, alak ang dahilan.

"Pass muna p're. Nag-aaral pa ako eh." sagot ko naman tapos hinanap ko sa likod niya kung may tinda pa silang suka. Minsan kasi wala eh, parang nilalaklak ni Roy kaya pumuputi.

"Ulol! Wag ako, iba na lang! Ikaw, mag-aaral? Anong nakain mo? Bumbilya? Libro?" sabi niya sa akin. Hindi siya makapaniwala kasi hindi talaga ako nag-aaral noon. Papasok lang ako at mangongopya. Isa pa, lower section kami kaya walang masyadong paki mga teacher sa amin dati.

"Ulol! Bago-bago din pag may time!" sabi ko naman tapos ay napatingin ako sa kanya, "Kailangan kong mag-seryoso para..."

"Para...? May pinopormahan ka? Sino yan? Pakilala mo sa amin!" tuwang-tuwa niyang sabi kaya natauhan ako. Muntik kong masabi na dahil kay Bench kaya nag-aaral ako ng mabuti.

"Wag na! Baka agawin mo pa. Pabili na lang ng suka saka ballpen." sabi ko na lang kasi alam kong pumapatol siya sa bakla. Isa pa, para lubayan niya na rin ako sa pang-uusisa niya. Dapat dito, mag-pulis eh. Ang daming tanong, baka mapaamin niya mga kriminal.

"Kaululan talaga nito." sabi niya na lang tapos ay inabutan niya ako ng suka, "Wala nang ballpen, ubos na." kita mo talaga 'tong tarantadong 'to! Hindi lang ako nagsalita, ayaw na akong pagbilhan! Bahala siya! Sayang sais na kita niya.

Binayaran ko na agad yung suka at pumunta sa tindahan sa may kanto. Sigurado akong makakabili ako ng ballpen doon pero ang hindi ko sigurado ay yung nakita ko.

Tama ba 'tong nakikita ko o baka naman nahihilo lang ako sa init ng katanghalian? Sa lahat ng lugar, bakit dito pa?

Sa sobrang pagkalito ko, nalimutan ko nang bumili ng ballpen. Basta na lang akong tumakbo pabalik ng bahay tapos ay binigay ko kay Mama yung sukang iniutos niya. Natayo ako sa gitna ng bahay at nag-iisip kung anong dapat kong gawin. Sasabihin ko ba o itatago ko na lang? Parehas na maganda ang dating para sa akin nung mga naisip ko pero, pangit naman para sa iba.

Pumanhik ako sa kwarto at hinanap ko yung cellphone ko. Nung hawak ko na, napatitig ako doon kasi nagtatalo talaga ang utak ko sa dapat kong gawin.

Sa hindi ko malamang dahilan, napa-text ako kay Dino para magtanong sa kung anong dapat kong gawin sa nangyayari. Naguguluhan ako eh.

Nasasaktan ako.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now